Jennica Garcia, lalong gumanda at nagmukhang mas bata ayon sa mga netizens

Jennica Garcia, lalong gumanda at nagmukhang mas bata ayon sa mga netizens

- Marami sa mga netizens ang nakakapansin na tila lalong naging maganda ang aktres na si Jennica Garcia

- Lalo umano itong nagmukhang mas bata at tila mas naaalagaan nito ang kanyang sarili sa kabila ng pinagdadaanan

- Gayunpaman, bilang aktres na nagbalik-showbiz, marami ang naniniwalang nararapat lang na alagaan ni Jennca ang sarili dahil ito ang kanyang puhunan bilang isang artista

- Kasalukuyan siyang gumagawa ng teleseryeng Las Hermanas na nakatakdang ipalabas sa GMA-7

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang pagbabalik showbiz, parami nang parami ang nakakapansin na lalong gumaganda si Jennica Garcia. Marami din ang nakapansin na nagmukha itong mas bata kumpara noong isa siyang fulltime mom sa kanyang dalawang anak na sina Mori at Alessi.

Jennica Garcia, lalong gumanda at mukhang mas bata ayon sa mga netizens
Jennica Garcia Uytingco (@jennicauytingco)
Source: Instagram

Nito ngang ika-24 ng Hunyo ay ibinahagi ni Jennica ang kanyang pagbati at mensahe para sa pagdiriwang ng ikatlong kaarawan ng anak na si Alessi.

Read also

Fiancé ni Yam Concepcion, gumamit ng mahigit 2,000 na paper crane sa proposal

Makikita sa litratong kanyang ibinahagi ang naging advance celebration nila. Kung dati ay simpleng-simple kung manamit si Jennica, maarami ang nakakapansin sa kanyang mas modernong pananamit.

Narito ang komento ng ilang netizens:

grabe ang blooming mo mamsh.. happy bday bebe gurl
Super pretty mo Jennica. Noong kayo pa ng asawa mo pinatunayan mo sa kanya pagiging simpleng may bahay to the point na pati self mo medyo nakalimutan mo po... Pero now super blooming
Parang bunsong kapatid mo lang sila omg!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jennica Garcia ay dating naging aktibo din sa showbiz kagaya ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco. Nang ikasal sila ay napagpasyahan ni Jennica na tumigil muna sa pag-aartista at bigyan ng oras ang kanilang pamilya.

Marami ang humanga sa mag-asawang Jennica at Alwyn dahil sa umano'y pagiging magandang halimbawa. Nang pumutok ang Bulkang Taal, kabilang ang mag-asawa sa mga tumulong sa mga residenteng naapektuhan.

Read also

Babaeng nagpa-breastfeed ng isang baby ng pulubi na nagugutom, umani ng papuri

Gayunpaman, marami ang nagkaroon ng agam-agam nang magtanong si Jennica Garcia kung paano papalitan ang kanyang apelyido sa kanyang Instagram account at marami rin ang nakapansin sa pagkawala ng mga litrato ni Alwyn sa kanyang social media account.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel