Babaeng nagpa-breastfeed ng isang baby ng pulubi na nagugutom, umani ng papuri
- Umani ng papuri ang isang babae matapos mag-trending ang picture kung saan makikita ang kanyang pagtulong sa isang pulubi
- Minabuti niyang padedehin ang baby na bitbit ng ina nito na ayon sa salaysay ay isang araw nang hindi nakakain ang ina ng sanggol kaya walang gatas na nakukuha ang bata sa kanya
- Minabuti ng babaeng ito na napag-alamang isa palang guro na tumulong sa pamamagitan ng pagpapadede sa bata
- Matapos umano niyang mapadede ang bata ay nakatulog ito at nagulat na lamang umano siya nang mapag-alamang nag-trending siya nang umuwi siya ng kanilang bahay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Matapos ibahagi ng netizen na si Gina Borbor ang ilang litrato na nakaantig sa maraming netizens, agad na nag-viral ang nasabing post kung saan makikita ang isang babae na tumulong sa mag-inang pulubi sa pamamagitan ng pag-breastfeed ng sanggol.
Napag-alaman ng KAMI na ang naturang babae ay si Jeralyn Daplinan Gubalani, isang guro sa Libertad National high School, Bunawan ADS..
Sa kanyang Facebook post, isinalaysay niya ang kanyang karanasan noong araw na iyon.
Aniya, naghihintay siya sa labas ng isang mall sa kanyang asawa dahil kakatapos niya lang magpa-renew ng kanyang PRC license.
Nakatawag ng pansin niya ang mag-ina dahil sa iyak nang iyak umano ang sanggol kaya naantig siya sa kalagayan ng mga ito.
Sinusubukan umanong padedehin ng ina ang baby ngunit iyak pa rin ito ng iyak. Base sa kanyang nalaman, isang araw na umanong hindi kumakain ang ina. Kahit nag-aalanagan ay sinubukan niyang ipagpaalam sa ina kung pwede niyang i-breastfeed ang bata at pumayag naman umano ito.
Ramdam umano niyang gutom na gutom ang bata habang pinapadede niya ito. Masaya siyang nakatulog na ito matapos niyang makadede.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.
Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.
Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.
Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh