Fiancé ni Yam Concepcion, gumamit ng mahigit 2,000 na paper crane sa proposal

Fiancé ni Yam Concepcion, gumamit ng mahigit 2,000 na paper crane sa proposal

- Kasunod ng pag-amin ni Yam Concepcion ng tungkol sa kanyang engagement sa longtime boyfriend, nagbahagi ng rin ng kanyang mensahe ang kanyang fiancé

- Ibinahagi niyang sa tulong ng lahat ng taong nagmamahal at sumusporta sa kanila, nabuo ang mahigit 2,000 na paper cranes

- Base ito sa pinaniniwalaang alamat sa Japan na magkakatotoo ang ninanais ng sinumang makakagawa ng 1000 na paper cranes

Pinasalamatan niya rin ang ina ni Yam sa pagpahintulot sa kanya na magpropose sa aktres

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos isapubliko ni Yam Concepcion ang tungkol sa kanyang engagement, proud na pinagsigawan ng kanyang fiancé na si Miguel CuUnjieng ang kanyang saloobin kaugnay sa masayang okasyon sa kanilang magkasintahan.

Fiancé ni Yam Concepcion, gumamit ng mahigit 2,000 na paper crane sa proposal
Photo from Yam Concepcion (yamconcepcion)
Source: Instagram

Base sa pinaniniwalaang alamat sa Japan na magkakatotoo ang ninanais ng sinumang makakagawa ng 1000 na paper cranes, minabuti niyang gumawa ng paper cranes. Gayunpaman, aniya, dahil naniniwala siyang espesyal ang kanyang kasintahan, hinayaan niyang tumulong ang lahat ng taong nagmamahal sa kanila at nakabuo sila ng mahigit 2000 na paper cranes.

Read also

Babaeng nagpa-breastfeed ng isang baby ng pulubi na nagugutom, umani ng papuri

Kasalukuyang magkasama ang magkasintahan matapos nga magbakasyon si Yam kamakailan. Maraming beses na naging LDR ang dalawa ngunit tumagal ang kanilang relasyon at kasalukuyang nasa kanilang ika-anim na taon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Yam Concepcion o Lorraine May "Yam" Concepcion sa totoong buhay ay sumikat sa kanyang husay sa pagganap sa ilang mga pelikula at maging sa mga palabas sa telebisyon.

Ilan sa mga pinakasumikat niyang pagganap ay sa teleseryeng Dugong Buhay at Halik.

Dahil sa epektibo at mahusay na pagganap niya bilang kontrabida, nagkaroon din siya ng negatibong imahe at hindi naiwasang magkaroon ng mga bashers.

Inalmahan ng aktres ang muling pag-uungkat ng ilang netizens sa kanyang dating pelikulang Rigodon upang gamitin bilang panira sa kanya.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Read also

Joey Marquez, huling umiyak nang pumanaw ang ina; "Ganun ko kamahal nanay ko"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate