Super Tekla, emosyonal na ipinagdiwang ang 1st birthday ni 'Baby Angelo'

Super Tekla, emosyonal na ipinagdiwang ang 1st birthday ni 'Baby Angelo'

- Hindi napigilan ni Super Tekla na maluha sa pagbibigay niya ng mensahe para sa kanyang bunsong anak na si Angelo

- Kasalukuyan kasing nasa ospital ang kanyang anak kaya naman hindi nila ito kapiling sa pagdiriwang ng 1st birthday nito

- Ang kanyang matalik na kaibigan na si Donita Nose ang punong-abala sa munting selebrasyon gayundin ang panganay na anak ni Tekla na si Aira

- Ipinaliwanag din ni Tekla ang kalagayan ng kanyang anak at wala siyang ibang hiling kundi ang maging maayos at malusog na ito matapos ang operasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging emosyonal si Super Tekla nang magbigay siya ng mensahe para sa kanyang bunsong anak na si Baby Angelo o tinatawag nilang si "Angge."

Nalaman ng KAMI na 1st birthday na ni Angge subalit kasalukuyan itong nasa ospital.

Read also

Ogie Diaz, pagod na raw magalit; "I cannot please everybody"

Si Tekla naman ay nagkaroon pa ng taping kaya naman ang naging punong-abala sa munting selebrasyon ay ang kanyang ka-tandem na si Donita Nose pati na rin ang kanyang panganay na anak na si Aira.

Super Tekla, emosyonal na ipinagdiwang ang 1st birthday ni 'Baby Angelo'
Photo: Super Tekla ang Donita Nose (Donekla in Tandem)
Source: Instagram

Ayon pa kay Donita, balang araw, mababalikan ni Baby Angelo ang video at makikita nitong nasa ospital man siya noon, ipinagdiwang pa rin ng mga nagmamahal sa kanya ang kanyang kaarawan.

Nang dumating si Tekla mula sa taping, labis naman itong natuwa sa inihanda nina Donita para sa kanyang bunsong si Angge.

Ibinahagi rin ni Tekla ang kalagayan ngayon ni Angge sa ospital na lumala umano ang pneumonia.

Matapos ang gamutan, hindi pa rin muna makauuwi ang baby dahil sasailalim naman ito sa cleft palate operation.

Kaya naman walang ibang hiling ang komedyante kundi ang maging matagumpay ang operasyon at gumaling na ang bunsong anak sa mga karamdaman nito.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Donekla in Tandem YouTube channel:

Read also

Officemates, pinakyaw ang mga "habi bags" ng lalaking gumagawa nito sa gilid ng kalsada

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Super Tekla ay isa sa mga sikat na komedyante ng GMA network. Dahil sa angking galing sa pagiging isang stand-up comedian, naging bahagi siya ng programang 'The Boobay and Tekla Show' at maging ng patok na Kapuso variety and game show na "Wowowin".

Kamakailan, nagtagumpay sina Tekla at anak nitong si Aira sa prank na ginawa nila kay Donita.

Sa husay ni Aira sa pagpapanggap na may hinanakit sa kanyang ama, 'na-stress' at 'pinagpawisan' si Donita sa prank na ginawa ng mag-ama sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel