Donita Nose, aminadong 'na-stress' at 'pinawisan' sa prank nina Aira at Tekla sa kanya

Donita Nose, aminadong 'na-stress' at 'pinawisan' sa prank nina Aira at Tekla sa kanya

- Aminadong na-stress at na-tense si Donita Nose sa prank na ginawa sa kanya nina Tekla at anak nitong si Aira

- Mahusay daw kasi ang pag-arte ni Aira na talagang naiyak kaya napapaniwala nito ang kanyang "Tita Donita"

- Tawang-tawa naman ang kanyang ka-tandem na si Tekla nang sabihin niyang prank lamang ang ginawa nila kay Donita

- Maging sina Donita at Tekla ay humanga rin sa husay ng pagkukunwari ni Aira sa ginawa nilang prank

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

'Pinawisan' daw si Donita Nose sa prank na nagawa sa kanya ng kanyang ka-tandem na si Super Tekla at anak nitong si Aira.

Nalaman ng KAMI na nagkunwaring may problema si Aira sa kanyang ama na si Tekla at sasabihin naman niya ito sa kanyang 'Tita Donita.'

Talagang todo acting si Aira na talagang umiyak nang sabihin niya kay Donita na tila wala na raw oras sa kanya ang ama.

Read also

Anak ni Tekla, hinangaan sa husay nitong umarte sa prank nila kay Donita Nose

Donita Nose, aminadong 'na-stress' at 'pinawisan' sa prank nina Aira at Tekla sa kanya
Photo: Super Tekla at Donita Nose (Donekla in Tandem)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dahil dito, paniwalang-paniwala naman si Donita na mayroon ngang dinaramdam ang bata.

Agad niyang kinausap si Tekla ukol dito na 'umarte' rin na parang may tensyon nang nagaganap sa kanila.

Lalo nang sila'y magkasama-sama na sa pag-kain, mas lalong naging matindi ang tinakbo ng prank.

Todo tanggol pa naman si Donita kay Aira nang sabihin na ni Tekla na prank lamang pala nila ang lahat ng kaganapan.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Donekla in Tandem YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Super Tekla ay isa sa mga sikat na komedyante ng GMA network. Dahil sa angking galing sa pagiging isang stand-up comedian, naging bahagi siya ng programang 'The Boobay and Tekla Show' at maging ng patok na Kapuso variety and game show na "Wowowin".

Read also

Ama sa malaking portrait na likha ng anak, muling isusurpresa sa Father's Day

Kamakailan ay muli siyang gumawa ng ingay sa social media dahil sa Php1 million challenge na ginawa nila kasama ang isa ring kilalang vlogger na si Donnalyn Bartolome.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel