Anak ni Tekla, hinangaan sa husay nitong umarte sa prank nila kay Donita Nose

Anak ni Tekla, hinangaan sa husay nitong umarte sa prank nila kay Donita Nose

- Maraming netizens ang nakapansin sa husay ng pag-arte ng anak ni Super Tekla na si Aira

- Naisipan kasi ng mag-ama na i-prank si Donita Nose na napaniwala naman nila

- Tila wala raw kahirap-hirap na umiyak si Aira kaya naman talagang naniwala si Donita sa hinaing ng bata

- Maging si Donita ay napansin ang husay sa pag-arte ni Aira lalo na at hindi naman totoo na nagkakaproblema ito sa ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naaliw ang maraming netizens sa pinakabagong vlog ng "Donekla in Tandem" na sina Super Tekla at Donita Nose.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga napansin ng mga nakapanood ng video ay ang husay ng anak ni Tekla na si Aira sa pag-arte.

Sa vlog na inilabas nila ngayong Hunyo 18, naisipan ni Tekla na i-prank ang kanyang ka-tandem na si Donita.

Read also

Ama sa malaking portrait na likha ng anak, muling isusurpresa sa Father's Day

Netizens, humanga sa husay ng pag-arte ng anak ni Tekla sa kanilang prank kay Donita Nose
Photo: Aira (Super Tekla Librada)
Source: Facebook

Minsan na raw siyang na-prank nito kaya naman naisip niyang bumawi at kasabwat nga niya ang anak na si Aira.

Nagkunwaring nagkakaroon ng problema si Aira sa atensyon ng kanyang ama na lagi umanong wala sa kanilang tahanan.

Umabot pa sa punto na talagang naiyak ang bata sa harap ni Donita kaya naman madali niya itong napapaniwala.

Talagang kinausap pa ni Donita si Tekla ng masinsinan kaugnay sa 'hinaing' ng anak nito.

At nang magka-salo salo na sila sa hapag kainan, mas lalong tumindi ang pag-arte ng mag-ama hanggang sa tuluyan nang sabihin ni Tekla na prank lamang nila ito kay Donita.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang komento ng ilang netizens na labis na humanga sa pag-arte ni Aira:

"Sana masign up si aira sa mga teleserye. She is really a good actress. May potential."

Read also

Jelai Andres, ipinasilip ang pangyayari sa likod ng camera sa OML taping

"Aira, magiging artista to soon"
"Sana maging artista tong batang to kasi ang galing nya... I love AIRA!"
"Galing umarte Ni aira, d mahiyain"
"Tekla, sana maisali mo sa workshop ni ogie diaz si Aira, may potential siya sa acting!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, si Super Tekla naman ang isa sa mga sikat na komedyante ng GMA network. Dahil sa angking galing sa pagiging isang stand-up comedian, naging bahagi siya ng programang 'The Boobay and Tekla Show' at maging ng patok na Kapuso variety and game show na "Wowowin".

Kamakailan ay muli siyang gumawa ng ingay sa social media dahil sa Php1 million challenge na ginawa nila kasama ang isa ring kilalang vlogger na si Donnalyn Bartolome.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel