Super Tekla, game na game sa kulitan nila ng beauty vlogger na si Letisha Velasco

Super Tekla, game na game sa kulitan nila ng beauty vlogger na si Letisha Velasco

- Naaliw ang marami sa makeover na ginawa ni Letisha Velasco sa komedyanteng si Super Tekla

- Bukod kasi sa make-up transformation, masayang nakipagkulitan si Letisha kay Tekla

- Tahasang tinanong kasi ni Letisha kung kumusta na nga ba sina Tekla at ang ex nito na si Michelle

- Natuwa naman si Tekla sa kinalabasan ng makeover sa kanya ng napakahusay na beauty vlogger

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumalo agad sa daan-daang libong views ang collab vlog ng komedyante at YouTuber na si Super Tekla at beauty vlogger na si Letisha Velasco.

Nalaman ng KAMI na first time na magkasama ng dalawang YouTuber sa iisang video.

Game na game na nakipagkulitan si Tekla kay Letisha habang ginagawa nito ang makeover sa kanya.

Super Tekla, game na game sa kulitan nila ng Beauty vlogger na si Letisha Velasco
Photo from Super Teklah
Source: Facebook

Isa nga sa mga naitanong ng beauty vlogger ay kung kumusta na nga ba sina Tekla at ex-live in partner nitong si Michelle.

Read also

Puto vendor sa 'pulubi prank' ni Ivana Alawi, patuloy na tumutulong sa mga kapos-palad

"Wala na kami," ang diretsong sagot naman ni Tekla.

Ilan naman sa mga naitanong ni Tekla ay kung bakit ayaw ni Letisha na manirahan sa Maynila. Sa kabila kasi ng kanyang kasikatan kung saan mayroon na siyang milyon-milyong followers, mas pinili pa rin nitong manatili sa Pangasinan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Aniya, hindi raw siya makatulog sa Maynila at isang rason din niya ang ang mga sariwang pagkain sa probinsya na hindi niya maiwan.

Labis namang natuwa si Tekla sa kinalabasan ng makeover sa kanya ni Letisha kung saan nagpictorial pa siya.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Leti Sha YouTube channel:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Letisha Velasco ay isang Beauty vlogger na kilala sa mga makeup transformations na kanyang ginagawa. Dahil sa kanyang husay sa pagmi-makeup, umabot na sa 2.88 million ang kanyang mga subscribers sa kanyang YouTube channel.

Read also

Rob Moya, natawa sa pagkakadawit niya sa isyu ni Tim Sawyer

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, si Super Tekla naman ang isa sa mga sikat na komedyante ng GMA network. Dahil sa angking galing sa pagiging isang stand-up comedian, naging bahagi siya ng programang 'The Boobay and Tekla Show' at maging ng patok na Kapuso variety and game show na "Wowowin".

Kamakailan ay muli siyang gumawa ng ingay sa social media dahil sa Php1 million challenge na ginawa nila kasama ang isa ring kilalang vlogger na si Donnalyn Bartolome.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel