Puto vendor sa 'pulubi prank' ni Ivana Alawi, patuloy na tumutulong sa mga kapos-palad

Puto vendor sa 'pulubi prank' ni Ivana Alawi, patuloy na tumutulong sa mga kapos-palad

- Patuloy ang pagtulong ni Joselito Martinez sa mga kababayan nating kapos-palad

- Sa kanyang sariling YouTube channel, makailang beses niyang naibahagi ang pagbibigay biyaya naman niya sa iba

- Matatandaang si Joselito ang puto vendor na nagmalasakit kay Ivana Alawi sa kanyang pulubi prank

- Matapos ang viral na vlog, muli siyang pinahanap ni Ivana kung saan binigyan pa rin siya ng aktres ng mas maraming biyaya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Likas na matulungin si Joselito Martinez, ang puto/kutsinta vendor na nagmalasakit kay Ivana Alawi sa 'pulubi prank' nito noong Marso.

Nalaman ng KAMI na patuloy na tumutulong sa kapwa si Tatay Joselito bilang pamamahagi na rin ng tinatamasa niyang biyaya.

Sa kanyang sariling YouTube channel, ibinahabahagi ni Tatay Joselito ang ilan sa mga kababayan natin na kanyang natulungan.

Puto vendor sa 'pulubi prank' ni Ivana Alawi, patuloy na tumutulong sa mga kapos-palad
Photo: Tatay Joselito ang natulungang lola na basahan vendor (Joselito Martinez)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Read also

Reymark Mariano, inulan ng tulong dahil sa nakakaantig niyang kwento

Isa na rito ang masipag na lola na naglalako ng basahan sa gilid ng kalsada.

Nang kanya itong usisain, napag-alaman niyang 88-anyos na ito ngunit nagsisikap pa rin na maghanapbuhay.

Mga apo at anak ng lola ang kanyang kasama sa buhay ngunit aniya, paano sila kakain kung hindi siya magsisipag.

Napansin din nina Tatay Joselito na may problema na ang isang mata ng lola.

Kaya naman bukod sa mga grocery items, binigyan din nila ng tulong pinansyal ang lola.

Wala itong pagsidlan ng kaligayahan at malaking tulong umano ang naibigay sa kanya ni Tatay Joselito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Marso 14 nang ibahagi ni Ivana Alawi sa kanyang YouTube channel ang kanyang pulubi prank kung saan ang tutulong sa kanya ay tutumbasan niya ng 1000x ng halagang ibibigay sa kanya.

Read also

Julia Barretto, naka-off sa publiko ang comment section niya sa Instagram

Isa na rito si Tatay Joselito kung saan binigyan niya si Ivana ng Php20, pinakain ng tinda nitong kutsinta at bibilhan pa sana niya ito ng softdrinks na maiinom.

Labis na humanga si Ivana sa kabutihan ni Joselito kaya naman napagdesisyunan niyang makipagkita muli dito para mabigyan pa ng karagdagang tulong.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel