Reymark Mariano, inulan ng tulong dahil sa nakakaantig niyang kwento

Reymark Mariano, inulan ng tulong dahil sa nakakaantig niyang kwento

- Marami ang naantig sa sampung taong gulang na si Reymark Mariano dahil sa pagpupursige nito para mapakain ang kanilang pamilya

- Sa kanyang murang edad ay natuto itong mag-araro sa tulong ng kanilang alagang kabayo

- Kaya naman hindi kataka-taka na agad na umani ng milyon-milyong views ang video niya nang ma-feature siya sa Kapuso Mo, Jessica Soho

- Bukod sa natanggap na ulong mula sa programa at pamahalaan, mayroon ding nagsadya siyang puntahan upang maabutan ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang humanga at naantig sa kwento ng sampung-taong gulang na si Reymark Mariano na kailan lang ay lumabas sa programang Kapuso mo, Jessica Soho. Kaya naman, maraming netizen din ang nais magpaabot ng tulong sa pamilya nila.

Reymark Mariano, inulan ng tulong dahil sa nakakaantig niyang kwento
Photo from Ronz Yuzon (www.facebook.com/ronz.yuzon)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Angelica Panganiban, nagreklamo dahil sa umano'y pang-iisnab ng Red Cross

Isa grupo ng kalalakihan ang nagbahagi ng kanilang pagpunta ng personal sa bahay nila Raymart upang magpaabot ng tulong.

Ayon sa post ng Facebook user na si Jed Brent Baltazar, bumiyahe sila ng 5 oras.

Kwento niya, sobrang saya umano ng bata matapos niyang matanggap ang kabayo na bigay ng grupo nina Baltazar.

Matatandaang may kabayo din si Reymark ngunit may katandaan na ito kaya limitado na lang dapat ang pinapagawa sa kanya.

May binihay din silang groceries, gamit sa loob ng bahay, tatlong sakong bigas at pera para sa paggagamot ng kanyang lolo at lola.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil sa sobrang hirap ng buhay lalo na ngayong panahon ng pandemya, marami sa mga kabataan ang napilitang maghanap-buhay para makatulong sa kani-kanilang pamilya. Imbes na maglaro ay maagang namulat ang ilang sa mga kabataan sa katotohanan ng buhay.

Read also

Mister na may stage 4 cancer, hands-on pa sa kanilang 'dream house' bago pumanaw

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Marami sa mga batang ito ang nag-viral sa social media at hinangaan ng publiko. Kabilang na rito ang mag-pinsang naglalako ng Sampaguita na kamakailan ay natulungan ng isang vlogger.

Marami din ang naantig sa isang mag-aaral na tuloy sa pakikinig sa kanilang klase habang siya ay nagtatrabaho bilang isang construction worker.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate