Angelica Panganiban, nagreklamo dahil sa umano'y pang-iisnab ng Red Cross

Angelica Panganiban, nagreklamo dahil sa umano'y pang-iisnab ng Red Cross

- Inihayag ng aktres na si Angelica Panganiban ang kanyang pagkadismaya dahil sa umano'y pang-iisnab sa kanila ng Red Cross sa Olonggapo

- Binanggit pa nito na nauuna pang asikasuhin ang mga huli nang dumating kaysa sa kanila at natagalan sila

- Gayunpaman, isang frontliner ang sumagot sa kanya at sinabing kaya nauna ang mga taong iyo ay dahil may online appointment sila

- Muli ding sinabi ni Angelica ang kanyang hindi magandang karanasan umano nung huli siyang nagpa-swab sa Red Cross

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nakapagtimpi si Angelica Panganiban at inilabas niya ang kanyang pagkadismaya sa kanilang naranasan umano sa Red Cross sa Olonggapo kung saan hindi umano sila pinapansin.

Nabanggit pa nitong nauna pa ang huling dumating sa kanila.

Angelica Panganiban, nagreklamo dahil sa umano'y pang-iisnab ng Red Cross
Angelica Panganiban (@iamangelicap)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Meryll Soriano, deadma sa mga bashers sa pag-iibigan nila ni Joem Bascon

Gayunpaman, isang frontliner ang sumagot sa kanya at sinabing kaya nauna ang mga iyon dahil mayroon silang appointment. Kadalasan sa kasalukuyan ay kailangang kumuha muna ng appointment online para mas mapabilis ang proseso.

Matapos ngang sagutin ng frontliner ang kanyang alegasyon, ibinahagi ni Angelica ang isa pa niyang karanasan noong huling pagpapa-swab niya umano.

Nung huling beses ako nag pa swab sa red cross, muntik akong mabaliw. Nag padala sila ng email na positive ako sa covid. Pero yung attachment result, negative ako. Ginawa nila yun sa buong olongapo guys Woman shrugging nag sorry naman sila after 12 hours.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang sagot si Angelica kaugnay sa isyu. Bukas ang KAMI sa magiging paliwanag ng aktres at ng Red Cross Subic para sa ikalilinaw ng kontrobersiya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Andrea Brillantes, inisa-isa ang mga celebrities na pumorma sa kanya

Si Angelica Panganiban ay isang aktres sa telebisyon at pelikula. Nakilala sa siya sa kanyang husay sa pag-arte at pagpapatawa. Sa kanyang murang edad na anim na taong gulang, sumabak si Angelica sa pag-arte at naging bahagi ng youth-oriented show na Ang TV.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matapos ang paghihiwalay nila ni John Lloyd Cruz at naudlot na balikan nila ni Carlo Aquino, masayang ibinabahagi ni Angelica sa social media ang kanyang bagong pag-ibig sa katauhan ni Gregg Homan. Kamakailan nga ay usap-usapan ang kanyang makahulugang post patungkol sa kanilang dalawa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel