Officemates, pinakyaw ang mga "habi bags" ng lalaking gumagawa nito sa gilid ng kalsada
- Viral ang post ng isang netizen na nagmalasakit na pagkayawin ang panindang bag ng isang lalaki sa gilid ng kalsada
- Ang nakamamangha pa umano rito, siya mismo kasi ang naghahabi ng mga ito na makikita rin ng kanyang mga customers
- Abot-kayang halaga ang mga bags sa magagara at pulido ang pagkakagawa
- Nais din ng uploader ng post na matulungan pa ang lalaki na nawalan ng cellphone kamakailan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang nakapansin sa post ng netizen na si Cicely Martin Reyes kung saan ibinahagi niya ang mga "habi bags" ng nakilala niyang si Tatay Roy.
Nalaman ng KAMI na sa gilid lamang ng kalsada sa Tutuban Primeblock nilalako ni Tatay Roy ang kanyang mga hinabing bags na siya mismo ang gumagawa.
Kwento ng uploader, nakita nila kung paano masinsin na ginagawa ni Tatay Roy ang mga bag na lumalabas na magagara at pulido ang pagkakagawa.
Ang nakamamangha pa rito, ibinebenta niya ito sa murang halaga mula Php150 hanggang Php250 lamang.
Subalit mas lalong lumabot ang puso nina Cicely nang malamang minsanan lamang makauwi ng Bulacan si Tatay Roy, at sa bangketa lamang ito natutulog.
"Taga Malolos, Bulacan pa sya kaya every 3 days lang sya nakakauwi sa kanila at sa bangketa lang daw sya natutulog"
Dahil dito, hindi nagdalawang isip si Cicely at kanyang mga ka-opisina na pakyawin ang mga paninda ni Tatay Roy noong araw na nakita nila ito.
"Nagtulungan kami ng officemates ko para maubos ung gawa nyang bags... Sobrang sulit ang pera ninyo dahil maganda at pulido po ang mga gawa ni Tatay. Bili na po kayo sa kanya please!!"
Sa panayam ng Philippine Star kay Cicely, nais din nilang handugan si Tatay Roy ng food box at bagong cellphone gayung nanakaw daw ito sa kanya sa pagtulong niya sa bangketa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kamakailan, hinangaan din ang isang ama na naglalako ng mga makukulay na "scrunchies" na mabibili lamang sa halagang Php10 isa.
Matapos na mag-viral, nagpasalamat naman ang isa sa mga anak nito at sinabing napagtapos pala silang magkakapatid ng kanilang masipag na ama sa paglalako. Dahil dito, mas hinangaan ng marami ang tindero ay mayroon ding mga nagpaabot ng tulong.
Gayundin ang isang balut vendor na buong pagmamalaking isinama ng kanyang anak sa kanyang toga picture bilang pasasalamat sa mga sakripisyo nito para sa kanya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh