Magkababatang nag-viral sa TikTok at nagkita dahil sa KMJS, nagkasamang muli

Magkababatang nag-viral sa TikTok at nagkita dahil sa KMJS, nagkasamang muli

- Muling nagkasama sina Juliene Karl Genove o "Yen" at ang kababata niyang si Kenneth Español

- Sila ang nag-viral sa TikTok kung saan hinanap ni Yen si Kenneth sa pamamagitan ng pag-post ng kanilang mga larawan noong bata pa sila

- Nagkawalay ang dating magkalaro nang lumipat sina Kenneth sa ibang bahagi ng Palawan

- Sa tulong ng 'Kapuso mo, Jessica Soho' ay nagkita muli ang dalawa makalipas ang nasa 14 na taon na hindi pagkikita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpakilig muli sa mga netizens sina Juliene Karl Genove o "Yen" at ang kababata niyang si Kenneth Español.

Nalaman ng KAMI na sa TikTok ni Kenneth na @watahtah ibinahagi niya ang muling pagkikita nila ni Yen.

Magkababatang nag-viral sa TikTok at nagkita dahil sa KMJS, nagkasamang muli
Sina Kenneth at Yen (Photo screengrab from @watahtah/ Kenneth Español)
Source: UGC

Kuha sa isang beach, makikita ang kulitan ng dalawa. At ang mas lalo pang nagpakilig sa mga netizens na nakapanood ng video ay nang tanungin ni Kenneth kung na-miss ba siya ni Yen at sumagot naman ito agad ng oo.

Read also

Joey Marquez, ikinuwento ang kanyang pagiging janitor noon makatulong lamang sa ina

Umabot na sa 493,000 ang heart react ng video na labis na kinagiliwan ng mga nakapanood.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Naging usap-usapan sa TikTok ang naturang video at marami ang nagpakilala na sila raw si Kenneth. Subalit natatawa na lamang si Yen dahil alam niyang hindi ang mga ito ang hinahanap niyang kaibigan.

Nang makapanayam na sila ng KMJS, naikwento ng ina ng binata na biglaan nga silang umalis sa boarding house kung saan nakatira rin ang pamilya nina Yen.

Hindi manlang nakapagpaalam si Kenneth sa kanyang kababata.

Ngunit dahil sa TikTok video, muli silang nagkatagpo. Sa tulong din ng prgrama ni Jessica Soho, nagkatagpo na ang dalawa kahit tatlong oras ang layo at biyahe ng kinaroroonan nila sa isa't isa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Hash Alawi, may 1 million subscribers na sa YT; mamimigay ng mga CP at tablet

Isa ang programa ng broadcast journalist na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy linggo-linggo.

Isa sa mga naitampok sa naturang programa ang buwis-buhay na pagtawid ng mga guro sa ilog makapaghatid lamang ng mga learning modules sa kanilang mga estudyante.

Tinutukan din ang kwento ng batang nag-aararo na sa mura niyang edad na natulungan naman ng marami buhat nang maibahagi sa KMJS ang kanyang kwento.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica