Joey Marquez, ikinuwento ang kanyang pagiging janitor noon makatulong lamang sa ina

Joey Marquez, ikinuwento ang kanyang pagiging janitor noon makatulong lamang sa ina

- Nakapanayam ni Ogie Diaz ang aktor na si Joey Marquez na itinuturing niya na isa sa mga malalapit niyang kaibigan sa showbiz

- Isa sa mga napag-usapan nila ni Joey ang relasyon nito sa kanyang ama na si Artemio Marquez Sr.

- Sinabi niya na sa edad na 14, pinasok niya ang pagiging janitor na labis na ipinagtaka ng kanyang mga naging katrabaho

- Gayunpaman, nilinaw ni Joey na kung anuman siya ngayon ay dahil sa kanyang ama at ginamit na lamang niya ito sa positibong pamamaraan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging panauhin ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel ang itinuturing niya sa isa sa mga malalapit niyang kaibigan sa showbiz na si Joey Marquez.

Nalaman ng KAMI na si Joey ang naging dahilan kung bakit naging bahagi noon ng 'Palibhasa Lalake" si Ogie.

Read also

Hash Alawi, may 1 million subscribers na sa YT; mamimigay ng mga CP at tablet

Isa rin sa naikwento ni Joey ang naging relasyon niya sa kanyang ama na si Artemio Marquez Sr.

Joey Marquez, ikinuwento ang kanyang pagiging janitor noon makatulong lamang sa ina
Photo: Joey Marquez (@tsong_marquez)
Source: Instagram

Bagaman at nagkaroon na ito ng iba-ibang pamilya kung saan nagkaroon siya rito ng 18 mga kapatid, ni minsan ay hindi raw siniraan ng kanyang ina ang ama sa kanila.

Subalit dahil sa pag-iwan sa kanila ng kanyang ama, naikwento ni Joey ang pagpasok niya bilang isang janitor sa edad na 14.

Nagtataka ang mga nakasama niya noon sa trabaho kung bakit isa siyang janitor gayung kilalang producer ang kanyang ama noon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dahil dito, minabuti iyang i-deny ang ama hindi dahil nahihiya siya sa kanyang pinasok na trabaho, kundi para mapangalagaan ang pangalan ng ama.

"Naawa ako sa nanay ko dahil single mom siya, nag-janitor ako noon. Nag-janitor talaga ako noon sa Angles sa Clark Base,"

Read also

Karen Davila, binisita si Sen. Manny Pacquiao sa kanilang mansyon

"Sweldo ko pitong piso isang araw. Tapos 'yung mga panahon na mga kasama ko sabi bakit ka nagja-janitor tatay mo Artemio Marquez producer, alam mo dineny ko,"
"Oo dahil nahihiya ako para sa kanya hindi para sa akin. Alam mo 'yung feeling na ayaw ko siyang mapahiya dahil ang anak niya nagja-janitor. Nahihiya ako na mapahiya siya"

Narito ang kabuuan ng panayam mula sa YouTube channel ni Ogie Diaz:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Joey Marquez ay nakilala bilang isa sa cast ng sitcom na Palibhasa Lalake na tumagal ng 12 taon sa ere mula 1987. Kabilang sa mga kasamahan niya sa nasabing sitcom ay sina Richard Gomez, Gloria Romero, Cynthia Patag, Amy Perez, Carmina Villaroel, at Apa Ongpin.

Ikinasal siya kay Alma Moreno at nagkaroon sila ng tatlong anak. Gayunpaman, taong 2004 nang mapawalang bisa ang kanilang kasal matapos nilang maghiwalay.

Read also

Ama sa malaking portrait na likha ng anak, muling isusurpresa sa Father's Day

Samantala, naging usap-usapan din kamakailan ang reklamo laban kay Alma kaugnay sa umano'y utang nito sa kanyang upa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel