Karen Davila, binisita si Sen. Manny Pacquiao sa kanilang mansyon

Karen Davila, binisita si Sen. Manny Pacquiao sa kanilang mansyon

- Sa kanyang YouTube channel, itinampok ni Karen Davila ang kanyang naging panayam kay Senator Manny Pacquiao

- Nakapanayam din niya ang mga anak ni Manny at ang asawa nitong si Jinkee Pacquiao

- Pabiro ding binaggit ni Karen ang tungkol sa balitang napikon umano ang senador kaugnay sa kanyang panayam kung saan napag-usapan nila ang tungkol sa educational attainment ni Sen. Manny

- Ani Karen, akala niya ay susuntukin siya ni Manny nang pagpasok niya ng bahay, iyon pala ay ipagluluto siya nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Si Senator Manny Pacquiao ang itinampok ni Karen Davila sa paggunita ng Father's Day. Pinuntahan siya nito sa kanilang bahay kung saan nakausap din ni Karen maging ang mga anak nito at sinabi nila kung anong klaseng ama ang senador.

Karen Davila, binisita si Sen. Manny Pacquiao sa kanilang mansyon
Manny Pacquiao with Adrien Broner (Photo by Ethan Miller)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Niña Jose, hinangaan sa pagiging mapagmahal na ina sa walong anak

Pabiro ding binanggit ni Karen na akala niya umano ay susuntukin siya ni Manny, iyon pala ay ipagluluto siya nito.

Matatandaang nauna na ring nilinaw ni Sen. Manny na hindi siya na-insulto sa naging tanong ng broadcast journalist sa kanya sa nag-viral na panayam kung saan napag-usapan nila ang tungkol sa college degree ni Manny.

Ayon sa senador, kasalukuyan siyang nag-aaral pa rin ng kanyang Masteral degree.

Dagdag pa niya, naniniwala siyang habang nabubuhay ay dapat lang na matuto ng mga bagay-bagay dahil marami pa umanong pwedeng matutunan.

Panuorin ang kabuuan ng panayam dito:

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Manny Pacquiao ay isang boxer na naging isang politiko. Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao. Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya'y bata pa lang.

Read also

Mariel Padilla, hindi na naka-palag kay Robin Padilla sa pagpunta nito sa WPS

Pinagtuunan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo. Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

Kamakailan ay sinagot ni Sen. Manny ang pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa kanyang opinyon kaugnay sa conflict sa China sa West Philippine Sea.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel