Vice Ganda, tinalikuran ang pag-iinom at pagyoyosi para kay Ion Perez

Vice Ganda, tinalikuran ang pag-iinom at pagyoyosi para kay Ion Perez

- Ibinahagi ni Vice Ganda ang estado ng relasyon nila ni Ion Perez

- Sa panayam sa kanya ng dating manager na si Ogie Diaz ikinuwento niya kung paano niya pinahahalagahan ang kanilang relasyon ni Ion

- Sinabi rin niya na si Ion ang seloso sa kanilang dalawa kaya naman iniingatan niya na huwag itong magselos at hindi sila magkaroon ng bagay na basta na lamang na pag-aawayan

- Bagaman at hindi masalita ang partner, sinabi ni Vice na si Ion ang nagpapakalma sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang pinag-usapan nina Vice Ganda at dati niyang manager na si Ogie Diaz ang tungkol sa relasyon niya kay Ion Perez.

Sa ikalawang bahagi ng interview ni Ogie kay Vice na ibinahagi sa kanyang YouTube channel, nasabi ni Vice kung gaano niya pinahahalagahan ang relasyon niya ngayon kay Ion.

Read also

Duterte kay Willie Revillame: "Gusto ko sanang maging senador ka"

Vice Ganda, tinalikuran ang pag-iinom at pagyoyosi para lang kay Ion Perez
Photo: Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

"Masaya ang puso ko, masaya kami ni Ion," bungad ni Vice.

Napakalaki nga raw ng pasasalamat niya sa Diyos na isang Ion ang kasa-kasama niya ngayon sa kanyang buhay.

"Everyday I say thank you to God na ang bait mo binigyan mo ako ng ganito. Paano kung wala ito... Anong lungkot ko ngayon kung wala akong katuwang"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Isa rin sa mga naisiwalat ni Vice ang ang pagiging seloso umano ng partner.

Iniingatan niya talaga ang kanilang relasyon kaya naman hangga't maaari, ayaw niyang bigyan ito ng dahilan upang magselos o mayroon silang mapag-awayan.

"Nakita ko kung pano niya 'yun hinarap, hindi ko gusto"

Sinabi rin ni Vice na tinalikuran niya ang pag-inom at paninigarilyo para lang kay Ion.

"Dati nga di ba gabi-gabi ako rarampa so tinalikuran ko 'yon pati paninigarilyo tinalikuran ko, pag-inom hindi na ako umiinom, hindi na ako gumigimik kasi si Ion lang sapat na"

Read also

70-anyos na 48 taon nang "gasoline boy" muling natulungan ni Basel Manadil

Sinabi niyang sapat na nasa tabi niya si Ion habang nagtatrabaho siya kahit nasa bahay lamang.

Subalit nilinaw naman ni Vice na hinahayaan din niya si Ion na gawin ang mga nais nito lalo na ngayong pandemya.

Tulad ng marami sa atin ngayon, nakararamdam din umano si Ion ng pagkabagot kaya hinahayaan ni Vice na lumabas, mag-bike at gawin ang mga motorcycle activities nito.

Nabanggit din ng host ng "It's Showtime" ang minsan nang pinagdaanan ng relasyon nila ni Ion na kanila namang nalampasan.

Masasabing bukod-tangi si Ion sa lahat ng nakarelasyon ni Vice Ganda dahil nagawa nitong lumantad sa publiko at ngayon, matatag pa rin sila sa loob ng tatlong taon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Amanda Zamora on life after PBB Connect: "It's hard but fun!"

Si Vice Ganda ay isang sikat na aktor, comedian, television host, at recording artist sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga popular na pelikula ay ang “Praybeyt Benjamin."

Sa unang bahagi ng panayam ni Ogie Diaz kay Vice, naikwento nito na maging siya ay naaapektuhan din ng mga nagaganap dahil sa pandemya. Isiniwalat niyang madalas siyang umiyak kamakailan.

Samantala, nagagawa pa rin naman niyang mapasaya ang mga netizens lalo na nang mapanood siya ng mga ito sa "It's Showtime" kung saan naikwento ng kanyang partner na si Ion Perez na nahihilo umano ito kapag siya ay natatalakan ng sikat na komedyante.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel