70-anyos na 48 taon nang "gasoline boy" muling natulungan ni Basel Manadil

70-anyos na 48 taon nang "gasoline boy" muling natulungan ni Basel Manadil

- Binalikan upang kumustahin ni Basel Manadil ang ngayo'y 70-anyos na nagtatrabaho pa rin sa gasoline station

- Nang madatnan ito ni Basel, suot pa rin nito ang shades na bigay nito sa kanya

- Agad din siyang nakilala ng lolo nang tanungin niya ito kung sino siya

- Binigyan niya muli ang lolo ng tulong pinansyal maging ang mga kasamahan nito sa trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling binalikan ng vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer ang lolo na nagtatrabaho pa rin sa isang gasoline station.

Nalaman ng KAMI na dalawang taon na halos ang nakalipas nang unang mabisita ni Basel si "Tatay Bro" sa kanyang trabaho.

Nagpanggap muli na magpapahangin ng gulong si Basel ngunit ngayon, bike na ang kanyang gamit.

70-anyos na 48 taon nang "gasoline boy" muling natulungan ni Basel Manadil
Photo: Basel Manadil ( The Hungry Syrian Wanderer
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Read also

Vlogger, kinumpronta ang umano'y scammer na kumukuha ng kanyang bank details

At nang makalapit na ang vlogger kay Tatay Bro, agad siya nitong nakilala.

Hindi pa rin daw umano nito nakakalimutan ang tulong na naibigay sa kanya ni Basel kahit ilang taon na ang lumipas.

Katunayan, suot pa rin ng lolo ang shades na bigay sa kanya ni Basel nang mag-selfie sila noon.

Aniya, mahal na mahal daw niya ang pinaka-iingatang shades na iyon na bigay ng matulunging vlogger.

Mas lalong humanga sa kanya si Basel kaya naman binigay na muli nito ang kanyang handog na ayuda para sa kanyang Tatay Bro.

Masayang-masaya ang lolo na labis na nagpapasalamat muli kay Basel.

Maging ang mga kasama sa trabaho ni Tatay Bro at ilang mga nagpapagasolina ay nabiyayaan din ng vlogger.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng kanyang vlog mula sa The Hungry Syrian Wanderer YouTube channel:

Read also

Ivana Alawi, may 13 million subscribers na sa YouTube; namahagi ng biyaya

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

Ilan sa mga natulungan kamakailan ni Basel ay ang mga nadaanan niyang mga jeepney at bus drivers gayundin ang mga delivery riders.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica