Vlogger, kinumpronta ang umano'y scammer na kumukuha ng kanyang bank details

Vlogger, kinumpronta ang umano'y scammer na kumukuha ng kanyang bank details

- Buong tapang na kinumpronta ng vlogger na si Basel Manadil ang umano'y tumawag sa kanyang scammer

- Umpisa pa lamang, alam na ni Basel na manloloko ito lalo na at tila inalam na ng tumatawag ang ilang detalye tungkol sa kanya

- Nagpapanggap umano ito ng magbibigay ng free photoshoot para mai-endorso ng maayos mga produkto

- Minabuti ni Basel na kunan ng video ang pag-uusap upang magsilbing babala sa mga negosyanteng tulad niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis na nakababahala ang tawag na umano'y natanggap ng vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer.

Umpisa pa lamang, alam na umano niyang 'scammer' o manloloko ang nagpakilalang "call center agent" na alam na ang ilang detalye tungkol sa kanya.

Tila na-target na siya nito bilang mayroon siyang ilang negosyo bukod sa pagiging isang kilalang vlogger sa Pilipinas.

Read also

Claudine Barretto, nag-sorry kay Mark Anthony Fernandez matapos ang 25 taon

Vlogger, kinumpronta ang umano'y scammer na kumukuha ng kanyang bank details
Photo: Basel Manadil (The Hungry Syrian Wanderer)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang siste, may libreng photoshoot ang kanilang kompanya na ibibigay nila ng libre kay Basel upang ma-endorso ang kanyang negosyo.

Alam ng caller na dalawa ang branch ng YOLO Retro Diner ni Basel kaya naman tinanong nito kung interesado itong magpa-photoshoot sa dalawa niyang stores.

Una na nitong hiningi ang address ng mga restaurant at sumunod na ang email address at iba pang mahahalagang detalye tungkol kay Basel at sa kanyang negosyo.

Sinakyan naman ito ni Basel at nagbigay ng kakaibang address na hindi naman nahalata ng ahente lalo na at "work from home" raw umano siya sa Malaysia.

Aminadong bahagyang kinabahan si Basel sa itinatakbo ng usapan nila ng ahente.

Dinaan muna niya sa biro ang ahente bago na niya ito almahan at sabihing mali ang ginagawa nitong pangsa-scam kaninoman.

Halos hindi makaimik ang babae na ang tanging nasabi na lang ay ikinakansela na nito ang inialok na photoshoot.

Read also

Claudine Barretto, sinabing si Raymart Santiago ang kanyang "favorite mistake"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video mula sa Hungry Syrian Vlogs:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

Ilan sa mga natulungan kamakailan ni Basel ay ang mga nadaanan niyang mga jeepney at bus drivers gayundin ang mga delivery riders.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel