Claudine Barretto, nag-sorry kay Mark Anthony Fernandez matapos ang 25 taon

Claudine Barretto, nag-sorry kay Mark Anthony Fernandez matapos ang 25 taon

- Sa isang virtual conference na ginanap para sa launching ng movie nila ni Mark Anthony Fernandez na "Deception," naibahagi ng dalawa ang tungkol sa nakaraan nila

- Matapos ang 25 taon matapos ang kanilang paghihiwalay, pakiramdam ni Claudine ay siya ang dapat mag-sorry sa aktor

- Wala umano silang closure dahil noong panahong iyon ay nambabae umano si Mark at naisip ni Claudine na mas mahalaga ang career nila

- Gayunpaman, ayon sa kanilang dalawa, nanatili silang magkaibigan at nag-uusap umano sila sa mga pinagdaanan nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakatakdang gumawa ng reunion movie ang dating magkasintahan na sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez. kamakailan nga ay ginanap ang isang virtual conference para sa kanilang pelikulang "Deception."

Claudine Barretto, nag-sorry kay Mark Anthony Fernandez matapos ang 25 taon
Claudine Barretto (@claubarretto)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Claudine Barretto, sinabing si Raymart Santiago ang kanyang "favorite mistake"

Dito naibahagi ng dalawa na wala umanong closure ang kanilang relasyon noon matapos i-ghost ni Claudine ang aktor. Bukod sa nambabae umano ito noong mga panahong iyon, napagtanto umano ng aktres na mas mahalaga ang career nila.

Aniya, pakiramdam niya ay siya ang dapat mag-sorry sa dating nobyo.

Nagkahiwalay man, wala umano silang nasabing masama sa isa't-isa at nanatili silang mabuting magkaibigan.

Para naman kay Mark Anthony, wala siyang dapat ihingi ng dispensa dahil kailanman umano ay hindi sila naging magkaaway. Ayon pa sa aktor, naniniwala siyang “love is lovelier the second time around” para sa kanila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

Read also

Claudine Barretto, naalala ang pagiging maasikaso ni Marjorie Barretto

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay lumabas sa isang panayam kay Claudine na sinabi nitong hindi umano dumadalaw sina Marjorie at Julia Barretto sa kanyang mommy.

Nsging usap-usapan din kamakailan ang napipintong paggawa ng pelikula ni Claudine at ng dati niyang kasintahang si Mark Anthony Fernandez.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel