Ivana Alawi, may 13 million subscribers na sa YouTube; namahagi ng biyaya

Ivana Alawi, may 13 million subscribers na sa YouTube; namahagi ng biyaya

- Umabot na sa mahigit 13 million ang subscribers ni Ivana Alawi sa kanyang YouTube channel

- Bilang bahagi ng kanyang selebrasyon, naisip niyang mamahagi ng tinamasang biyaya

- 1,300 na mga katao ang napaghandaan niya ng mga eco bags na naglalaman ng mga paborito niyang pagkain

- Kasama sa kanyang pinamigay ang "Adobo ala Ivana" na siya mismo ang nagluto at nag-abot din siya ng Php1,000

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lampas 13 million na ang mga subscribers ni Ivana Alawi sa kanyang YouTube channel.

At bilang pasasalamat sa tinatamasa niyang tagumpay, naisipan niyang mamahagi ng biyaya.

1,300 katao ang nabahagiaan niya ng mga eco bags na naglalaman ng kanyang mga paboritong pagkain. Maging ang kanila mismong bigas na binibili para sa kanilang pamilya ang isa sa mga ibinahagi niya.

Ivana Alawi, may 13 million subscribers na sa YouTube; namahagi ng biyaya
Photo: Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: UGC

Nagluto rin siya ng "Adobo ala Ivana" na siya mismo ang nagluto habang tinutulungan din siya ng kanyang ina.

Read also

Tricycle driver sa Mandaue, umani ng award dahil sa nakamamanghang vegetable garden

Hands-on din si Ivana sa repacking at tumutulong din sa kanya ang kapatid na si Hashim at Mama Alawi subalit wala muli si Mona na kanilang pinagpapahinga.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Inabot ng dalawang araw ang preparasyon nina Ivana. 650 bags at food packs ang kanilang naihanda sa unang araw at 650 muli para sa day 2.

Bukod sa mga pagkain, sinamahan din ni Ivana ng Php1,000 ang bawat bag na kanyang ipinamahagi.

Ito ang kanyang paraan ng pagdiriwang at pasasalamat sa mga sumusuporta sa kanya at sa kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 13.2 million ang kanyang YouTube subscribers.

Read also

Travel blogger, 250 na ref magnets na ang nakolekta mula sa mga napuntahang lugar

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay ipinasilip ni Ivana ang kanyang ipinatatayong bahay. Nagbigay din siya ng update sa kalagayan ng kanyang kapatid na si Mona kung bakit madalas na hindi ito nakakasama sa kanyang mga vlog.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel