Travel blogger, 250 na ref magnets na ang nakolekta mula sa mga napuntahang lugar

Travel blogger, 250 na ref magnets na ang nakolekta mula sa mga napuntahang lugar

- Isang Pinoy travel blogger ang nakakolekta na ng nasa 250 na mga ref magnet mula sa mga lugar na kanyang napuntahan

- Ang mga souvenirs na ref magnets ang nagsisilbing inspirasyon niya upang makapunta pa sa mga lugar na hindi pa niya nabibisita

- 64 na mga probinsya sa Pilipinas ang kanya nang nabisita habang apat na ibang bansa ang kanya nang napuntahan

- Balak niyang mapuntahan tapusin ang pag-iikot sa 81 na probinsya sa Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakabilib ang Pinoy travel blogger na si Aldrik Gohel na nakarating na sa 64 na mga probinsya sa ating bansa.

Kwento ni Aldrik sa KAMI, sa bawat lugar na kanyang pinupuntahan, sinisigurado niyang makapag-uuwi siya ng "ref magnet" bilang souvenir mula roon.

Umaapaw na ang mga souvenirs na ito sa kanyang ref kaya naman nagpapagawa na umano siya ng frame na paglalagyan ng mga ito.

Read also

Ilang rider sa Bulacan, biktima ng umano'y sinulid sa daan na muntik makadisgrasya sa kanila

Travel blogger, 250 na ref magnets na ang nakolekta mula sa mga napuntahang lugar
Photo from Aldrik Gohel
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Umabot na kasi sa 250 ang mga ref magnets na nakolekta niya sa pagbibiyahe sa iba't ibang lugar.

Nais niyang puntahan lahat ang 81 na probinsya ng Pilipinas at 17 na lang dito ang hindi pa niya nararating. Samantala, nakapamasyal na rin siya sa Thailand, Taiwan, Vietnam, at Hong Kong.

"Dahil sa pangongolekta at pagbili mula sa napupuntahan kong lugar sa Pilipinas o sa ibang Bansa na "Ref Magnet" Souvenirs. 'Eto ang nagiging inspiration ko makapunta someday sa mga Lugar na di ko pa napupuntahan Nagpagawa na lang ako ng Frame para sa Ref Magnet ko kasi di na kasya sa Ref namin Nasa 250pcs Ref Magnet na ang nakokolekta ko."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jelai Andres, desidido nang ipawalang-bisa ang kasal nila ni Jon Gutierrez

Una nang nai-ulat ng KAMI ang tungkol sa isang Pinoy graphic artist na isa ring kolektor ng mga toys mula sa sikat na fast food chains.

Katunayan, hawak niya ang titulo sa Guinness World Record sa pagkakaroon ng pinakamaraming fast food toy collection.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Dumarami na rin ang mga Pinoy KPop fans na nangongolekta na rin ng mga merch ng kanilang idolo.

Ang ilan pa nga sa kanila ay mga kilalang artista sa bansa tulad na lamang ni Arci Muñoz na super fan ng BTS. Maging ang ipinagmamalaki nating singer at actress na si Lea Salonga ay hindi naipagkaila ang kanyang paghanga sa sikat na Korean boy group.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica