Ilang rider sa Bulacan, biktima ng umano'y sinulid sa daan na muntik makadisgrasya sa kanila

Ilang rider sa Bulacan, biktima ng umano'y sinulid sa daan na muntik makadisgrasya sa kanila

- Viral ngayon ang post ng ilang riders ukol sa umano'y sinulid na nakaharang sa daan

- Labis na delikado ang pagkakalagay ng sinulid na maaring makapagdulot ng aksidente sa mga motorcycle riders na tulad nila

- Ang isa sa mga rider, ipinakita ang sugat sa leeg na dulot umano ng nakaharang na sinulid

- Humihiling sila ng CCTV footage sa lugar upang malaman kung sino ang naglagay ng sinulid na maaring makapagdulot ng disgrasya sa mga motorista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang motorcycle riders ang nag-post sa umano'y sinulid na nakaharang sa ilang kalsada sa Bulacan.

Sa unang post na ibinahagi ni Jack Daniel Frias, nabiktima siya ng tali na hindi basta mapapansin ng motoristang tulad niya.

Ilang rider sa Bulacan, biktima ng umano'y sinulid sa daan na muntik makagisgrasya sa kanila
Photo from Jack Daniel Frias
Source: Facebook
"Di nakakatuwa na biro, ang hapdi sa leeg. Buti di ako naaksidente at naputol agad"

Hinihiling niya ang CCTV footage sa lugar lalo na at naganap lamang ito noong Hunyo 2 bandang 10:15-10:20 ng gabi.

Read also

Pulis na namaril sa isang lola sa QC, naipong galit ang idinahilan sa nagawa niya

"I am requesting for a cctv review in this area sa new site malapit sa unang bahay papunta sa BASC."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nilinaw niyang lubid ang ginamit na itinali mula sa isang bakod patungo sa isa pang bakod sa kabila ng kalsada.

Sa post naman ng isa pang motorista na si Alexander Nosmas, ipinakita pa niya ang sugat niya sa leeg na dulot ng sinulid na nakaharang din sa daan.

Muntik na raw talaga siyang maaksidente dahil sa sinulid na hindi naman dapat naroon.

Nabanggit din ni Alexander na sa ibang kalye, pulang sinulid naman ang nakatali kaya nagbigay paalala na rin siya sa ibang motorista.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilang rider sa Bulacan, biktima ng umano'y sinulid sa daan na muntik makagisgrasya sa kanila
Photo from Alexander Nosmas
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Pinoy, hawak pa rin ang Guinness Record sa pinakamaraming fast food toy collection

Kamakailan, nag-viral din ang video ng isang babaeng sinita ng isang traffic enforcer dahil "beating the red light" umano ito.

Pumalag ang babae at nagawa pang saktan ang enforcer na ginagawa lamang ang kanyang trabaho.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, lumabas na nakagagamit umano ng ipinagbabawal na gamot. Patong-patong na kaso ang isinampa laban sa kanya kabilang na ang direct assault, disobedience to persons in authority, at driving without license.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica