Pinoy, hawak pa rin ang Guinness Record sa pinakamaraming fast food toy collection

Pinoy, hawak pa rin ang Guinness Record sa pinakamaraming fast food toy collection

- Hawak pa rin ng graphic artist na si Percival Lugue ang Guinness World Record sa may pinakamaraming fast food toy collection

- 2014 nang mapabilang siya sa nasabing world record sa pagkakaroon ng nasa 10,000 toys mula sa iba't ibang fast food chains

- Ngayon, makalipas ang mahigit anim na taon, nadoble na ang bilang ng kanyang toy collections

- Upang hindi makalimutan ang kwento sa likod ng bawat laruan, gumawa na rin siya ng vlog tungkol sa mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Pinoy graphic artist ang may hawak ng Guinness World Record sa pagkakaroon ng pinakamaraming fast food toy collection.

Nalaman ng KAMI na 80's pa nang magsimulang magkolekta si Percival Lugue ng mga laruang nakukuha kasama ng mga meal ng iba't ibang fast food chain.

Dumami na ito ng dumami dahil higit na mura raw ito kumpara sa ibang mga laruan.

Read also

Heart Evangelista, dinaan sa TikTok ang mensahe sa kanyang bashers

Pinoy, hawak pa rin ang Guinness Record sa pinakamaraming fast food toy collection
Photo from Percival Lugue
Source: UGC

Aniya, nabusog na siya sa pagkain, may souvenir pa siyang nakuha na laruan.

Sa kanyang tatlong palapag na tahanan, makikita ang umaapaw sa dami ang kanyang koleksyon.

Kasama na rin dito ang iba rin niyang mga laruan na hindi nagmula sa mga fast food restaurants.

Ayon sa ulat ni Gracie Rutao ng ABS-CBN News, naiwento ni Percival na ito na ang nagsisilbing pantanggal stress niya mula noon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Taong 2014 nang makamit niya ang Guinness World Record dahil umabot na noon sa 10,000 ang dami ng kanyang koleksyon.

Ngayon, makalipas ang mahigit anim na taon, nadoble na ang bilang nito sa dami ng nadagdag sa kanyang koleksyon.

At para hindi rin niya makalimutan ang kwento sa likod ng bawat laruan, gumawa na rin siya ng vlog tungkol sa mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Pokwang, inalmahan ang mga scammers na gumagamit ng kanyang pangalan

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa ngayon, patok na patok din sa mga Pilipino ang pangongolekta ng mga merch mula sa kanilang mga KPop idols.

Ang ilan pa nga sa kanila ay mga kilalang artista sa bansa tulad na lamang ni Arci Muñoz na super fan ng BTS. Maging ang ipinagmamalaki nating singer at actress na si Lea Salonga ay hindi naipagkaila ang kanyang paghanga sa sikat na Korean boy group.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel