K-Pop fan, nasa Php500,000 na ang halaga ng mga koleksyon sa loob ng 10 taon

K-Pop fan, nasa Php500,000 na ang halaga ng mga koleksyon sa loob ng 10 taon

- Aabot na sa half a million pesos ang halaga ng mga nakolektang K-Pop merch ng Girls Generation fan na si Elaine Cordero

- Taong 2011 siya nang magsimulang mahilig sa K-Pop partikular sa grupong Girls Generation

- High School pa lamang siya noon kaya naman pinag-iipunan niya talaga mula sa kanyang baon ang pambili ng merch

- Php8,000 na limited editon watch ng Girls Generation ang pinakamahal sa kanyang mga koleksyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talagang certified K-Pop fan na maituturing si Elaine Cordero na sampung taon nang nagkokolekta ng mga K-Pop Merch.

Nalaman ng KAMI na taong 2011 pa siya nagsimulang mahilig sa K-Pop partikular na sa grupong Girls Generation.

Kwento pa ni Elaine sa In real Life segment ng GMA Public Affairs, high school pa lamang siya nang mahilig sa nasabing grupo.

Read also

Sarah Geronimo, inaming nakabantay ang asawa habang nasa shoot para sa concert

K-Pop fan, nasa kalahating milyong pisona ang halaga ng koleksyon sa loob ng 10 taon
Elaine Cordero (Photo credit: In Real Life)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

At bilang estudyante pa lamang noon, pinag-iipunan niya talaga mula sa kanyang baon ang pambili ng mga merch.

Aakalain mo ngang stall ng mga Kpop items ang mga nabili niya at maingat niya talaga itong itinatago.

Ngayong may trabaho na siya, mas marami na raw talaga siyang nakokolekta. Katunayan, ang limited edition na relo ng Girls Generation na nagkakahalaga ng Php8,000 ay nabili na rin niya. Ito raw ang maituturing niyang pinakamahal sa kanyang mga koleksyon.

Hindi rin siya nagpapahuli sa mga concerts at events tuwing may K-Pop stars na dumarating sa bansa.

Dahil sa kanyang hobby na ito, nagkaroon siya ng kumpiyansa sa sarili lalo na at aminado siyang may pagkamahiyain. Pero dahil sa pagiging K-Pop fan, dumami ang kanyang mga kaibigan na kapareho rin niya ng hilig.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Heart Evangelista, aminadong fan siya ni Jolina Magdangal

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Talagang hindi na maiwasan ang paglobo ng bilang ng mga K-Pop fans sa Pilipinas.

Ang ilan pa nga sa kanila ay mga kilalang artista sa bansa tulad na lamang ni Arci Muñoz na super fan ng BTS. Maging ang ipinagmamalaki nating singer at actress na si Lea Salonga ay hindi naipagkaila ang kanyang paghanga sa BTS.

Samantala, certified Blackpink fan naman si Liza Soberano. Katunayan, gumawa pa talaga siya ng reaction video tungkol sa bagong kanta na nailabas noon ng paborito niyang K-Pop group.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel