Pokwang, inalmahan ang mga scammers na gumagamit ng kanyang pangalan

Pokwang, inalmahan ang mga scammers na gumagamit ng kanyang pangalan

- Sa isang video na kanyang binahagi sa Instagram, nag-promote si Pokwang ng kanyang nakatakdang cooking show sa kanyang Instagram account

- Nabanggit din niya ang tungkol sa nakarating na balita sa kanya na may gumagamit umano ng pangalan niya para manloko

- Kaya naman, payo niya sa publiko, maging mapanuri sa mga taong nakakatransaksiyon sa internet

- Sinabihan din niya ang mga scammer na lumaban sa buhay nang patas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang video ang binahagi ni Pokwang upang i-promote ang kanyang live cooking show. Magaganap ito ngayong May 28, 2021 sa kanyang Instagram account. Ito ay para i-promote na rin ang kanilang mga produkto.

Pokwang, inalamahan ang mga scammers na gumagamit ng kanyang pangalan
Pokwang (@itspokwang27)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakarating umano kay Pokwang ang tungkol sa mga taong gumagamit ng kanyang pangalan para makapanloko.

Read also

Reymark Mariano, inulan ng tulong dahil sa nakakaantig niyang kwento

Kaya naman, payo niya sa publiko ay mag-ingat at maging mapanuri dahil sayang din daw ang pera kung mapupunta lamang sa mga manloloko.

Para naman sa mga scammer, sinabihan sila ni Pokwang na lumaban nang patas upang sakalaing bigla umanong kunin ni Lord ay maganda ang ihaharap sa Lumikha.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Marietta Subong o mas kilala bilang si Pokwang ay isang komedyante, TV host, singer,at product endorser. Kadalasang tungkol sa sarili niya ang kanyang mga biro kapag siya ay nagpapatawa. Ibinahagi ng komedyante ang kanyang pakikipagrelasyon sa aktor na Amerikanong si Lee O'Brian. noong buwan ng Enero noong 2015.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nabuntis siya ngunit sa kasamaang palad ay nakunan noong Agosto ng parehong taon. Muli siyang nagbuntis at ibinahagi niya ito sa kanyang Twitter account noong June 16, 2017. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018.

Read also

Angelica Panganiban, nagreklamo dahil sa umano'y pang-iisnab ng Red Cross

Madalas na kinakaaliwan si Malia sa mga ibinabahaging video at litrato niya sa Instagram. Kamakailan ay maraming bumilib sa pagiging magana nito sa pagkain ng gulay.

Maging ang video kung saan naglilinis ito ng kanilang garden ay patok na patok sa mga netizens.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel