Babaeng nanakit ng enforcer sa viral video, sangkot umano sa ilegal na droga

Babaeng nanakit ng enforcer sa viral video, sangkot umano sa ilegal na droga

- Isa umanong courier ng ilegal na droga ang lady driver sa viral video na kitang-kita ang pananakit sa isang enforcer

- Sa isinagawang follow-up operations ng pulisya, nakita sa cellphone nito ang mga mensahe kaugnay sa transaksyon ng ipinagbabawal na gamot

- Natiklo rin ang ilan sa sinasabing apat na mga kasamahan nito Ermita, Manila

- Dahil dito, patong- patong na ang kaso ng lady driver na una nang nakasuhan ng direct assault at driving without license

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sangkot sa operasyon ng ilegal ng droga ang lady driver na si Pauline Mae Altamirano na nag-viral kahapon, Mayo 27 matapos manakit ng traffic enforcer na nanita sa kanya.

Nalaman ng KAMI na nagsagawa ng follow-up operations ang Manila Police District Special Mayor's Reaction Team o (MPD-SMaRT).

Kinumpirma mismo ni MPD-SMaRT chief Col. Rosalino na kinakitaan umano ng ipinagbabawal na gamot ang gamit ng 26-anyos na lady driver.

Read also

Tim Sawyer, pinaghahanap na kaugnay sa kasong isinampa sa kanya ni China Roces

Lady driver na nanakit ng enforcer sa viral video, sangkot umano sa ilegal na droga
Photo: Pauline Altamirano at ang traffice enforcer na si traffic enforcer na si Marcos Anzures (traffic enforcer na si Marcos Anzures)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi rin ng pulisya na may ilan pang mga transaksyon kaugnay sa ilegal na droga ang nakita sa cellphone ni Altamirano.

Sa Flash Report naman ni Rod Vega ng DZBB Super Radyo, sinabing natiklo na rin ang apat pang mga kasamahan umano ni Altamirano sa Ermita, Manila.

Paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002 ang karagdagang kasong isasampa kay Altamirano bukod pa ang mga naunang kaso nito na direct assault at driving without license.

Si Altamirano ang babae sa viral video na kitang-kita ang pananakit sa traffic enforcer na nanita sa kanya. Beating the red light umano ang lady driver at wala pa itong maipakitang aktwal na lisensya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Lady driver sa viral video na walang lisensya at nanakit ng enforcer sa Maynila, arestado

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa rin sa mga nag-viral na video noong taong 2020 ay ang lady driver na nakaalitan sa parking ang pulis na nakilalang si Police Captain Ronald Saquilayan sa Taguig City.

Maging si Raffy Tulfo ay tumulong na mabigyang hustisya ang biglaang pag-aresto sa lady driver na si Mary Florence Norial at naglaan pa siya ng malaking halaga upang matutukan ang kaso nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel