Raffy Tulfo, magbibigay ng ₱1 million sa lady Grab driver para sa kaso nito laban sa pulis
- Suportado ni Raffy Tulfo si Mary Florence Norial, ang lady Grab driver na nakulong ng halos pitong araw dahil sa di umano'y naging alitan nito sa pulis
- Katunayan, handa raw siyang magbigay kay Mary Florence ng legal assistance fund na nagkakahalaga ng ₱1 million
- Ito ay upang masiguro na mayroong panggastos ang lady driver habang ipinoproseso ang kaso
- Labis na nagpapasalamat ang lady driver sa tulong ni Raffy Tulfo sa kanya at pinanindigan ang pagsasampa ng kaso laban sa pulis
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakalaya na ang Grab lady driver na si Mary Florence Norial na nasa viral video kung saan nito nakaalitan ang isa pa lang pulis.
Nalaman ng KAMI na nang makalabas na sa kulungan, agad na nakapanayam ni Mary Florence si Raffy Tulfo sa programa nitong "Wanted sa Radyo."
Doon tinanong ni Tulfo ang desisyon ni Mary Florence kung itutuloy nito ang pagsampa ng kaso kay Police Captain Ronald Saquilayan.
Bago pa man makasagot si Mary Florence, sinabi ni Tulfo na magbibigay siya ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng ₱1 million sa pagproseso nito ng kaso.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Tinawag niya itong legal assistance fund para sa mga kagastusan ni Mary Florence sa kaso lalo na at may mga pagkakataong hindi siya makakapaghanap-buhay dahil sa mga gaganaping hearing.
Labis na nagpapasalamat si Mary Florence kay Tulfo dahil sa agaran nitong pagtulong sa kanya mula ng dumulog sila sa programa nito.
Si Tulfo rin kasi ang naging daan para makapagpiyansa at makalaya si Mary Florence na inabot na ng halos isang linggo sa kulungan at di raw ito agad na pinahintulutang makapagpiyansa agad.
Dahil dito, mas naging buo ang loob ni Mary Florence na ituloy ang mga kasong posibleng isampa laban sa pulis na nakaalitan niya sa Taguig.
Narito ang kabuuan ng video:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa naunang ulat ng KAMI, naibahagi ang salaysay mismo ni Mary Florence sa pangyayari ng gabing iyon. Tila tumutugma umano ito sa CCTV footage na nakuha sa lugar.
Umaasa ang publiko na tuloy-tuloy nang makakamit ng lady Grab driver ang hustisya lalo na at aalalayan pa siya ni Raffy Tulfo.
Bukod kasi sa pagiging batikang news anchor nito, kilala rin siya sa pagiging takbuhan ng mga naaapi dahil sa agad niyang pag-aksyon sa mga sumbong ng mga kababayan nating naaagrabyado.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh