Tim Sawyer, pinaghahanap na kaugnay sa kasong isinampa sa kanya ni China Roces

Tim Sawyer, pinaghahanap na kaugnay sa kasong isinampa sa kanya ni China Roces

- Pinaghahanap na ng NBI ang vlogger na si Tim Sawyer dahil sa kasong isinampa sa kanya ng dating partner na si China Roces

- Matatandaang naging kontrobersyal ang dalawa noong nakaraang taon matapos na mag-viral ang video ng kanilang pagtatalo

- Pilit pa umanong ayusin ni China ang relasyon nila ni Tim subalit bago matapos ang taong 2020, kinumpirma ng model/actress na hindi na talaga sila nagkaayos

- Kilala sina China at Tim sa kanilang vlogs na kinagiliwan din ng marami nilang subscribers

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakalabas na ang warrant of arrest para sa vlogger na si Tim Sawyer kaugnay sa kasong isinampa ng dating partner niya na si China Roces.

Nalaman ng KAMI na nagpunta na ang National Bureau of Investigation team sa ilang tinutuluyan ni Sawyer sa Cavite.

Ayon sa ulat ni Niko Baua ng ABS-CBN News, ito ay matapos na mailabas ng family court ng Trece Martires ang nasabing warrant.

Read also

Lady driver sa viral video na walang lisensya at nanakit ng enforcer sa Maynila, arestado

Tim Sawyer, pinaghahanap na kaugnay sa kasong isinampa sa kanya ni China Roces
Photo: Tim Sawyer
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Matatandaang tuluyan nang sinampahan ng reklamong three counts of RA 9262 or Anti-Violence against women and their Children ni Roces ang dating kinakasama.

Ito ay matapos umano ang pagtatalo nilang dalawa ni Tim ukol sa kanilang relasyon at pera na nauuwi minsan sa sinasabing pananakit sa kanya ng dating nobyo.

Ayon sa abogado ni Roces, naulit pa umano ang naturang insidente na siyang naging dahilan ng pagsasampa ng kaso ng modelo.

Sa ulat ng Manila Bulletin, sinabing nagawa pa umanong maglabas agad noon ng pahayag nina Roces at Sawyer matapos ang viral video ng kanilang 'di pagkakasundo.

Sina Tim Sawyer at China Roces ay mga social media artists na gumagawa ng mga video na may tema tungkol sa pakikipagrelasyon. Marami ang naaliw sa mga videos ng dalawa.

Unang sumikat si Tim sa social media dahil sa pag viral ng video niya kung saan nagustuhan niya ang isang flight attendant.

Read also

Reymark Mariano, inulan ng tulong dahil sa nakakaantig niyang kwento

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang unang nag-viral ang dalawa matapos ibahagi ni China sa pamamagitan ng Facebook live ang pag-aaway nila ni Tim. Gayunpaman, nagkaayos sila sa tulong na rin ni Raffy Tulfo.

Subalit bago matapos ang taong 2020, kinumpirma nitong hindi na talaga silang muling nagkaayos ni Tim.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel