Anak ng OFW, minomolestiya umano ng amain sa loob ng 6 na taon, na-rescue pagkatapos magtext sa pulis

Anak ng OFW, minomolestiya umano ng amain sa loob ng 6 na taon, na-rescue pagkatapos magtext sa pulis

- Ang anak ng OFW na babae ay hindi na nakaya ang kababuyang ginagawa ng kanyang amain sa kanya

- Kaya naman nag-text siya at nagpasaklolo sa mga otoridad dahil sa pagkakataong iyon ay ginagawa na naman ng amain ang kahayupan sa kanya

- Nagsumbong na raw siya sa nanay dati pero hindi siya pinaniwalaan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang dalaga ang na-rescue ng mga otoridad sa kamay ng kanyang amain na diumano'y halos pitong taon na siyang minomolestiya.

Nalaman ng KAMI na nag-text ang dalaga sa mga otoridad at ito'y humihingi ng tulong dahil pinasok na naman siya ng amain.

May dala pa raw na granada bilang panakot sa kanya. Nang matanggap ng mga otoridad ang text niya, agad naman nilang inaksyonan ito.

Anak ng OFW, minomolestiya umano ng amain sa loob ng 6 na taon, na-rescue pagkatapos magtext sa pulis
Anak ng OFW, minomolestiya umano ng amain sa loob ng 6 na taon, na-rescue pagkatapos magtext sa pulis (Photo: gma)
Source: Facebook

Sa GMA report, pagdating nila sa bahay ng babae, naaktuhan nila ang suspek na may hawak na granada at ito'y naka underwear lamang.

Ayon sa kuwento ng dalaga, 16-anyos pa lang daw siya noon nang simula na siyang molestiyahin ng amain.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang masaklap pa dito ay nagsumbong na siya sa nanay niyang OFW pero di siya pinaniwalaan nito.

Bagamat hindi tinanggi ng amain ng dalaga ang sinabi niya, hindi rin niya inamin ang mga ito.

Sasampahan ng iba't-ibang kaso ang amain ng dalaga dahil sa pangyayari.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)