Lady driver sa viral video na walang lisensya at nanakit ng enforcer sa Maynila, arestado

Lady driver sa viral video na walang lisensya at nanakit ng enforcer sa Maynila, arestado

- Hawak na ng mga awtoridad ang lady driver sa viral video na nanakit umano ng traffic enforcer

- Wala umanong maipakitang lisensya ang babae dahilan para ito at sitahin ng enforcer

- Kitang-kita sa video ang pananakit ng babae sa enforcer na sinabing nasugatan sa nangyari

- Mahaharap sa kasong direct assault at driving without license

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang video kung saan kitang-kitang ang panlalaban ng isang lady driver sa traffic enforcer na nanita sa kanya.

Nalaman ng KAMI na wala umanong maipakitang driver's license ang babaeng nakilala na si Pauline Mae Altamirano, 26-anyos na isa umanong modelo at residente ng Taguig City.

Nasita si Altamirano nang pilit nitong umandar kahit red na o stop na dapat ang linya nila.

Lady driver sa viral video na walang lisensya at nanakit ng enforcer sa Maynila, arestado
Photo from Manila Public Information Office
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Read also

Pulis na nanloob sa isang remittance center sa Bulacan, lulong umano sa online sabong

Sa video na ibinahagi ng Manila Public Information Office, makikita ang nagawa nitong pambubugbog sa nanita sa kanyang traffic enforcer na si Marcos Anzures.

Sinabing, hinabol pa talaga umano ito ni Anzures subalit nang mapahinto, doon na nagsimula ang komprontasyon.

Makailang beses na nagawang saktan ni Altamirano si Anzures at pilit na kinukuha ang papel na hawak nito.

Hindi naman lumalaban ang enforcer na pilit na pinahihinahon ang lady driver.

Hawak na ng mga awtoridad si Altamirano na mahaharap sa kasong direct assault at driving without license.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang mugshot ng lady driver na si Altamirano na naibahagi rin ni Baby Aquino:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa rin sa mga nag-viral na video noong taong 2020 ay ang lady driver na nakaalitan sa parking ang pulis na nakilalang si Police Captain Ronald Saquilayan sa Taguig City.

Read also

Lumang video ni Julia Barretto na kumakain ng isaw, viral sa social media

Maging si Raffy Tulfo ay tumulong na mabigyang hustisya ang biglaang pag-aresto sa lady driver na si Mary Florence Norial at naglaan pa siya ng malaking halaga upang matutukan ang kaso nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel