Pulis na nanloob sa isang remittance center sa Bulacan, lulong umano sa online sabong
- Agad na naaresto ang lalaking nanloob sa isang remittance center sa San Miguel, Bulacan
- Minamatyagan pa sana nito ang isa pa niyang target na looban nang doon na siya madakip ng pulisya
- Kalaunan, nakilala ang salarin na isa pala umanong pulis at kargado ito ng baril at granada
- Paliwanag nito, nalimas umano ng pyramid scheme ang kanyang pera at aminado siyang nalulong sa online sabong
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agad na nahuli ang lalaking nanloob sa isang remittance center sa San Miguel, Bulacan na isa pala umanong pulis.
Nalaman ng KAMI na may balak pa sana itong manloob sa isa pang remittance center sa lugar nang matiklo na ito ng pulisya dahil sa agarang pagkasa ng manhunt operation.
Nakunan kasi umanon ng CCTV ang mismong panlilimas nito sa pera ng remittance center.
Maging ang pagsakay nito sa kanyang motorsiklo para tumakas ay nakunan pa rin ng CCTV sa labas. Kaya naman mas madali ang pagdakip sa salarin na nakilalang si Police Corporal Moises Yango.
Nakuha sa pulis ang kanyang baril, granada at Quezon City Police District ID.
Dahil sa halos sunod-sunod na panghoholdap ng suspek, hinihinalang ito rin umano ang nasa likod ng panlolob din sa isang remittance center sa nueva Ecija.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Ayon mismo kay Yango, nagawa niya ang pangho-holdap dahil naubos umano ang kanyang pera sa pyramid scheme at aminadong nalululong siya sa online sabong.
Tiniyak naman ni PNP chief General Guillermo Eleazar na matatanggalan umano ng trabaho ang naturang pulis at haharapin nito ang mga kaukulang kaso sa kanyang nagawang pagkakasala.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Isa sa mga pinakasubaybayang kaso na nagawa umano ng isang pulis ay ang pamamaslang ni Jonel Nuezca sa mag-inang Sonia at Frank Gregorio.
Marami pa rin ang nag-aabang umano sa pag-usad ng naturang kaso kung saan ang huling kaganapan ay ang pagbabayad dapat ng danyos ni Nuezca na aabot sa Php70 million kasabay ng pagtanggap niya sa kaukulang kaparusahan sa kanyang nagawa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh