Pasaherong may "excess baggage," nakalusot nang isuot ang nasa 2 kilong damit

Pasaherong may "excess baggage," nakalusot nang isuot ang nasa 2 kilong damit

- Viral ang larawan ng isang pasahero na nakaisip ng paraan para di makapagbayad ng extra baggage charge sa eroplano

- 7 kilo lamang daw ang pwede sa kanyang hand carry at umabot ng 9 na kilo ang kanyang dala

- Dahil dito sinuot niya ang halos nasa 10 patong na mga damit para lang lumusot

- Natuwa naman ang mga netizens at nagkaroon daw sila ng ideya sa susunod na maranasan nila ang ganitong sitwasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang ginawa ni Gel Rodriguez nang magbibiyahe siya sa eroplano at sobra ang timbang ng kanyang bagahe.

Sa kanyang post, makikita ang ilang patong ng kanyang damit partikular na ang mga shorts at jacket na umabot sa halos 2 kilo ang timbang.

Nabanggit niya sa caption na 7 kilo lamang ang maaring bigat ng kanyang hand carry.

Upang makaiwas daw sa pagbabayad ng excess baggage charge, sinuot niya ang ilan sa kanyang mga damit.

Mula raw sa siyam na kilo na orihinal na bigat ng kanyang hand carry, naging 6.5 kilos na lamang ito.

Maraming netizens ang natuwa sa ginawa na ito ni Gel dahil nagkaroon daw sila ng ideya sa kung ano maari nilang gawin sakaling mangyari sa kanila ang ganitong sitwasyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"So alam na natin friends kung ano ang gagawin ah?"
"Kesa nga naman gawin niya yung ginawa ni Angelica sa that thing called tadhana movie, sayang damit kaya patong pa more na lang"
"Geniues idea! clap clap clap!"
"Hahahaha! iba ang utak nito panalo... wais!"
"Ibang trip ito sa trip niya! wonderful"

Samantala, nang makapanayam ng Yahoo Philippines si Gel, nabanggit niyang wala na siyang balak pang gawin muli ito dahil sa sobrang init at di rin naman talaga komportable ang ganitong pagpapatong ng damit.

Hindi rin daw niya ito nirerekomendang gawin ng iba kahit marami pa ang natuwa sa naisipan niyang gawin na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Wanna see how Maine Mendoza and Carlo Aquino giggle while answering some tricky questions? Check this out!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel