Gwapong modelo, inireklamo kay Raffy Tulfo matapos daw limasin ang ipon ng ex-GF

Gwapong modelo, inireklamo kay Raffy Tulfo matapos daw limasin ang ipon ng ex-GF

-Sa programa ni Raffy Tulfo bumagsak ang love story ng isang gwapong modelo at ex-GF nito

-Ito ay matapos ireklamo ng babae ang dating nobyo na nilimas umano ang ipon niya

-At pagkatapos nito ay bigla na lang nawala at hindi na mahagilap ang lalaki

-Itinanggi naman ng lalaki ang paratang sa kanya ng dati niyang nobya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa programa rin ni Raffy Tulfo ang bagsak ng love story ng isang gwapong modelo at dating kinakasama nito.

Ito ay matapos magreklamo ni Camille Castro laban sa ex-boyfriend nito na si Juan Paolo Fernandez na nilimas umano ang kanyang ipon.

At matapos nito ay bigla na lang daw naglaho at hindi na makontak pa si Paolo.

Gwapong modelo, inireklamo kay Raffy Tulfo matapos daw limasin ang ipon ng ex-GF
Photo: Raffy Tulfo (screengrab from Raffy Tulfo in Action YouTube channel)
Source: UGC

Ayon sa pahayag ni Castro, nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ni Fernandez matapos niyang mapag-alamang nanggagamit ito ng mga "beki".

Read also

Raffy Tulfo, pumagitna sa masalimuot na love story ng 1 kolehiyala at doktor

Ngunit sa halip na makipag-ayos ay nang-ghost pa umano ang lalaki.

Labis daw itong nasaktan sa ginawa ng dating nobyo na nakilala nito sa isang dating app na kinalaunan ay nakasama na nito sa iisang bubong.

Kaya naman nais sana nito na makuha ang halagang P180,000 mula sa lalaki kaya ito humingi ng tulong kay Tulfo. Napag-alaman kasi nito na ibinebenta ng lalaki ang motor na ipinundar nila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nagkaroon naman ng pagkakataon ang dalawa na makapag-usap sa pamamagitan ng programa ni Tulfo.

Dito, itinanggi ni Fernandez ang mga paratang sa kanya ng dating kinakasama. Anito, hindi niya pinagtaguan si Castro. Hindi rin daw niya intensiyong lokohin ang babae.

Naiyak na lang si Castro habang kausap ang ex na aniya ay tila ginamit lang siya para maperahan.

Nangako naman si Tulfo na tutulungan niya ang dalaga na makapagsampa ng kasong estafa laban sa lalaki kung makapagdesisyon itong tuluyang ireklamo ang ex.

Read also

Biglang buhos ng ulan at malakas na hangin, naranasan sa Caloocan

Binigyan naman nito ng pagkakataon na makapag-usap ang dalawa off-air. Nakiusap din si Fernandez na pribado na lang nilang pag-usapan ang problema nila ng dating kinakasama.

Nagbabala naman si Tulfo sa mga kababaihan na huwag basta magtiwala sa mga kalalakihan na ang pakay lang ay maperahan ang mga karelasyong babae o beki.

Maraming netizens naman ang beastmode dahil sa reklamong ito.

Sa isa pang report ng KAMI, isang doktor naman ang inireklamo ng 19-anyos na dating nobya nito na nagdadalangtao pa naman sa kanilang anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Rafael "Raffy" Teshiba Tulfo ay isang sikat na broadcast-journalist at kilalang personalidad sa bansa. Asawa nito si Jocelyn Tulfo at mayroong dalawang anak, sina Maricel at Ralph Tulfo.

Read also

Suspek, lakas loob pang sumama sa paghahanap sa bangkay ng biktima

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Kamakailan lang, nangako ng tulong si Idol Raffy sa nanay ng transgender man na si Ebeng Mayor na brutal ng pinatay at hinalay ng matalik nitong kaibigan at dalawang iba pa.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel