Biglang buhos ng ulan at malakas na hangin, naranasan sa Caloocan

Biglang buhos ng ulan at malakas na hangin, naranasan sa Caloocan

- Viral ngayon ang isang video na nagpapakita ng biglang buhos ng ulan sa gitna ng mainit na hapon sa Caloocan

- Aakalaing may bagyo sa video sa lakas din ng hangin at halos wala nang makita sa kalsada

- Mapapansin din ang paggalaw ng jeep dahil sa tindi ng hangin na animo'y ipo-ipo

- Marami ang nagtaka gayun sa ibang bahagi ng Metro Manila ay di naman naranasan ang matinding pag-ulan na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang video na binahagi ni Naro Mantaring mula sa Bagong Silang, Caloocan City.

Nalaman ng KAMI na biglang buhos ang ulan sa nasabing lugar bandang alas tres ng hapon ng Mayo 23.

Sa video, aakalaing may bagyo sa lakas ng ulan at sa hagupit ng hangin na halos wala nang makita sa kalsada.

Read also

Php10,000 na nakaipit sa ATM, naibigay pa rin sa may-ari

Biglang buhos ng ulan at malakas na hangin, naranasan sa Caloocan
Photo from Naro Mantaring
Source: Facebook

Akala rin ng iba na tila ipo-ipo ang kanilang nararanasan dahil nadadala maging ang mga sasakyan na kusang gumagalaw sa lakas ng hangin.

Inakala ng iba na luma na ang naturang video, subalit sa comment section, sinabi ng iba pang netizens na naranasan nga nila ito habang ang iba naman ay nagsasabing nakaramdam lamang sila ng matinding init ngayong hapon ngunit walang pag-ulan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Yes, kanina lang po yan grabe ang init tapos biglang bagsak ng ulan"
"Grabe po, para pong tornado sa lakas yung hangin para pong may bagyo"
"Kinabahan na rin po talaga kami kasi ang lakas po ng ulan e ang init init po"
"Eto na yata ang tag-ulan pero 'wag naman sanang ganito kalakas everytime na uulan"
"Scary po talaga kasi makikita mo gumagalaw yung mga sasakyan sa labas"

Read also

Basel Manadil, sinorpresa ang isang mag-anak sa make over ng bahay nila

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Noong nakaraang taong 2020, nakaranas din ang bansa ng kabi-kabilang hagupit ng bagyo sa gitna ng pandemya.

Isa na rito ang Bagyong Ulysses na naging dahilan para malubog sa matinding tubig baha ang marami nating kababayan sa Cagayan, Isabela, gayundin sa Marikina City at iba pang lugar na tinamaan nito nang husto.

Marami namang mga nagmalasakit na magpadala ng tulong sa mga nasalanta at karamihan dito ay mga artista at YouTuber.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica