Bagyong Ulysses, nagdulot din ng matinding landslide sa Cagayan, Ifugao at Nueva Vizcaya

Bagyong Ulysses, nagdulot din ng matinding landslide sa Cagayan, Ifugao at Nueva Vizcaya

- Landslide din o pagguho ng lupa ang naging epekto ng pananalasa ng Bagyong Ulysses sa bansa

- Sa Ifugao, lima na ang naitalang patay dahil sa pagguho ng lupa habang anim pa ang pinaghahanap ng AFP

-Tinatayang sampung kabahayan ang nadamay sa pagguho ng lupa at apat na residente ang kinumpirmang pumanaw na

- May kabuuang bilang na 19 na ang naitatalang patay dahil sa landslide

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bagyong Ulysses, nagdulot din ng matinding landslide sa Cagayan, Ifugao at Nueva Vizcaya
Photo from AFP Facebook
Source: Facebook

Bukod sa malaking pagbaha sa Cagayan isa sa kanilang mga kinaharap na epekto ng pananalasa ng Bagyong Ulysses noong Nobyembre 11 ay ang pagguho ng lupa.

Nalaman ng KAMI na bukod sa Cagayan, may naganap ding pagguho ng lupa sa Ifugao at Nueva Vizcaya

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, madaling araw ng Biyernes nang maganap ang landslide sa Sitio Tueg, Brgy. Bitag Grande sa Baggao, Cagayan.

Read also

Ina na may apat na anak, naglabas ng hinaing sa DepEd tungkol sa learning modules

Sampung kabahayan ang nasapul ng pagguho ng lupa kung saan apat na residente na agad ang agad na nakumpirmang patay.

Samantala, limang tauhan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Ifugao ang kumpirmadong nasawi habang pinaghahanap pa ang anim sa kanila. Ang isang nakaligtas ay nagtamo ng sugat at kasalukuyan nang nagpapagaling.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Base sa ulat ng Manila Bulletin, sampu agad ang nakumpirmang patay sa ilang sitio ng Barangay Runruno kasama na rito ang dalawang buwang gulang lamang na sanggol.

Gumuho rin ang kalsada ng Sitio Bangkero, Brgy. Pancian sa Pagudpud Ilocos Norte dahilan para mahirapan ang mga nagsasagawa ng clearing operations sa lugar.

Ipinakita naman ng ONE News ang isinasagawang pagsagip ng Armed Forces of the Philippines sa mga kababayan nating naging biktima ng landslide sa mga munisipalidad ng Asipulo at Tinoc sa Ifugao.

Read also

Pamimigay ng relief goods sa Cagayan, viral sa social media

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nobyembre 11 nang manalasa ang Bagyong Ulysses sa bansa. Nagdulot ito ng labis na pagbaha sa ilang mga lugar na kabilang na ang Cagayan at Isabela.

Bagaman at hindi sentro ng bagyo, matindi ang epekto nito sa kanilang lugar na magpasa-hanggang ngayon ay lubog pa rin sa tubig baha ang ilang bahagi ng probinsya.

Tulad ng Cagayan, labis ding naapektuhan ni Ulysses ang Marikina City at probinsya ng Rizal. Bagaman at humupa na ang tubig, hindi pa rin lubos maisip ng mga residente roon kung paano silang muling makakabangon sa matinding hagupit ng Bagyong Ulysses sa kanilang kabuhayan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica