Pamimigay ng relief goods sa Cagayan, viral sa social media
- Ibinahagi sa social media ang isang video ng pamamahagi ng relief goods para sa mga biktima ng bagyong Ulysses
- Isang Philippine Air Force helicopter ang nagbahagi ng pagkain para sa mga nasalanta sa Iguig, Cagayan
- Kaagad na nag-unahan at kumaripas sa pagtakbo ang mga tao matapos makaangat ang helicopter
- Marami ang naantig sa kalagayan ng mga nasalanta ng malawakang pagbaha at ng bagyo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umantig sa mga netizens ang isang video kung saan naghatid ng relief goods ang Philippine Air Force helicopter sa Iguig, Cagayan.
Sa video na ibinahagi ng Inquirer, makikita kung paano nag-unahan ang mga tao sa iniwang relief goods ng helicopter sa lugar. Makikita din sa nasabing video na mayroon pa ring pagbabaha ngunit hindi na ito malalim.
May mga nag-aalala para sa mga tao na baka magkasakitan sila at mag-agawan sa pagkain. Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang pag-iikot ng mga kinauukulan para maghatid ng tulong para sa mga taong hanggang sa kasalukuyan ay naiwan pa rin sa kanilang mga bahay na lubog sa tubig baha.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Marami pa rin hanggang sa kasalukuyan ang nakakaranas ng pagbaha kabilang na ang ilang lugar sa Cagayan Valley dahil sa pagpapakawala ng tubig mula sa Magat dam kasunod ng matinding buhos ng ulan bunsod ng bagyong Ulysses.
Agad na nagtrending sa social media ang mga panawagang iligtas ang mga residente sa iba't-ibang bahagi ng lungsod at kalapit lugar matapos ibahagi ng mga netizens at ibang residente doon ang kalagayan ng mga taong hindi na makaalis dahil sa taas ng tubig baha.
Sa iba pang mga litrato ay nagmistulang karagatan ang malaking bahagi ng Cagayan Valley dahil kakaunti na lamang ang nakikitang mga halaman at bahay. Ang naging dahilan ng mabilis na pagtaas ng tubig ay pagpapakawala ng tubig mula sa Magat dam na maituturing na isa sa pinakamalaking dam sa bansa.
Ang bagyong Ulysses na nanalasa sa maraming lugar sa Luzon ay nagdulot ng matinding pagbaha. Unang nag landfall ito sa Patnanungan, Quezon, nitong Miyerkules ng gabi, November 11. Lumabas ito ng tuluyan sa Philippine area of responsibility nito lamang Biyernes. Kabilang sa pinakanaapektuhan ng pagtaas ng tubig ay ang Marikina at Rodriguez, Rizal na lagpas tao ang lalim ng baha.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Sa matinding dagok na ito na dumating, patuloy na nanaig pa rin ang pagiging matulungin ng karamihan. Maging ang ilang kilalang personalidad kagaya nina Angel Locsin, Donalyn Bartolome, Jericho Rosales at asawa nitong si Kim Jones at marami pang iba ay tumulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh