Ivana Alawi, sumadya sa Isabela at Cagayan para mamahagi ng relief goods

Ivana Alawi, sumadya sa Isabela at Cagayan para mamahagi ng relief goods

- Pumunta mismo si Ivana Alawi sa Isabela at Cagayan upang personal na mamahagi ng relief goods sa mga kababayan nating binaha roon

- Makikita ang sako-sakong mga food packages ang dalang tulong ng singer-actress at vlogger para sa mga kababayan nating labis na naapektuhan ng Bagyong Ulysses

- Nagpunta rin siya sa opisina ni Governor Manuel Mamba ng Cagayan para sa courtesy call matapos siyang mamahagi ng relief goods

- Labis na namangha sa kanya ang mga netizens dahil sa pagmamalasakit niya sa mga Pilipino lalo na sa panahon ngayong hindi lamang pandemya ang ating kinakaharap kundi ang sunod-sunod na mga bagyong dumating sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ivana Alawi, sumadya sa Isabela at Cagayan para mamahagi ng relief goods

Ivana Alawi (Photo from Facebook)
Source: Facebook

Sumadya mismo si Ivana Alawi sa Isabela at Cagayan upang mamahagi ng relief goods sa mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong Ulysses noong nakaraang linggo.

Nalaman ng KAMI na sako-sakong mga food packages ang ni-repack ng grupo ni Ivana upang mahatiran mismo ng tulong ang mga taga-Isabela at Cagayan na bukod sa nagugutom at mga nawalan pa ng ari-arian at tahanan.

Lolo, kinagiliwan sa social media matapos makabingwit ng parcel sa baha

Maayos na naipamahagi sa Tuguegarao City ang mga pagkain at tubig na at iba pang pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayan doon.

Matapos ang pamamahagi, dumaan din si Ivana sa opisina ni Governor Manuel Mamba ng Cagayan para sa isang courtesy call.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil dito, mas lalong dumami ang humanga sa kabutihang puso ng aktres na laging hindi nakakalimot na mamahagi ng kanyang biyaya sa kapwa.

Ngayong panahon ng pandemya, isa si Ivana sa mga nagpaabot ng tulong sa mga kababayan nating lalong naghihikahos.

Namahagi rin siya ng tulong sa mga frontliners kaya naman hindi matatawaran ang kabutihan at pagmamalasakit na pinakikita at pinararamdam niya sa mga Pilipino.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ivana Alawi ay isang actress, model at singer ng Pilipinas. Isa rin siya sa mga popular na YouTuber sa bansa na may 9.9 million subscribers na.

Pamimigay ng relief goods sa Cagayan, viral sa social media

Hindi lamang ang mga kababayan nating naghihikahos ang natutulungan ni Ivana.

Dalawang buwan ang nakararaan, tinupad ni Ivana ang hiling sana ng yumaong YouTube Star na si Lloyd Cadena na mag-buswash sana sila. Kahit wala na ang vlogger, tinuloy pa rin niya ang sana'y collaboration nila at lahat pa ng kita ng video ay ibibigay niya sa pamilyang naiwan ni Lloyd.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel