Ivana Alawi, ipinagdasal ang 'babaeng' nagparamdam sa opisina ni Raffy Tulfo

Ivana Alawi, ipinagdasal ang 'babaeng' nagparamdam sa opisina ni Raffy Tulfo

- Bumisita sa programa ni Raffy Tulfo ang aktres na si Ivana Alawi

- Naikwento ng host ng 'Wanted sa Radyo' ang di umano'y pagpaparamdam ng isang 'babae' sa kanyang pansamantalang opisina noong nakaraang buwan

- Labis ang takot ni Ivana habang kinukulit pa siya umano ng ilang staff ni Tulfo

- Kaya naman nagdesisyon itong ipagdasal ang dii umano'y kaluluwang gumagambala at sinasabing sumunod pa raw kay Tulfo sa kanilang tahanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ivana Alawi, ipinagdasal ang 'babaeng' nagparamdam sa opisina ni Raffy Tulfo

Photo: Raffy Tulfo's Instagram
Source: Instagram

Ganoon na lamang ang lakas ng tili ni Ivana Alawi sa tindi ng naramdamang takot nang bumisita siya noon sa opisina ni Raffy Tulfo.

Matatandaang, minsan nang ginambala ng isang di umanong 'babae' ang opisina dahil sa mga bulong na narinig sa ilang videos nila na nakuhanan sa nasabing lugar.

Nalaman ng KAMI na naikwento ni Tulfo kay Ivana ang tungkol sa 'babaeng' ito na di umano'y nagparamdam sa kanila noong nakaraang buwan.

Korean na naloko raw ng ilang Pinoy, pinili pa ring tumulong sa ating mga kababayan

Nabanggit din niyang minsan na raw siya nitong sinundan sa kanilang tahanan at 'di halos siya pinatulog sa mga kababalaghang naganap doon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ipinakita rin ni Tulfo ang footage na kuha noong di umano'y nahagip sa video ang babae

Takot na takot ang aktres kaya naman naisipang niyang ipagdasal ang babaeng ito.

"Lord, Please don't let her follow me, Please let her stay na lang with Sir Raffy!" ang bahagi ng dasal ni Ivana.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang noong Setyembre ay sunod-sunod di umano ang mga kababalaghang naganap sa opisina ni Raffy Tulfo na narinig pa umano sa ilan sa kanilang mga videos.

Haponesa, dumulog kay Tulfo para masingil ang P150,000 na pinahiram sa Pinoy ex-BF

Dahil dito, isinangguni nila ito sa mga eksperto upang maipaliwanag ang mga kaganapang ito at tuluyan na ring matigil ang pangggambala ng kung anoman ang nanatili na ito sa kanilang lugar.

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Sa kasalukuyan, tatlo ang aktibo niyang programa sa radyo at telebisyon. Kilala rin siya sa pagiging isang 'YouTuber' dahil sa halos 17 million na ang subcribers niya sa kanyang channel na 'Raffy Tulfo in Action.'

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel