Php10,000 na nakaipit sa ATM, naibigay pa rin sa may-ari
- Kahanga-hanga ang ginawa ng nakakita sa Php10,000 na nakaipit sa isang ATM sa Calasiao, Pangasinan
- Inakala kasi ng anak na napag-utusan ng ina na wala umanong lumabas na pera nang mag-withdraw ito
- Php1,000 din lang dapat ang kukunin ng anak na pinag-utos ng ina ngunit 'di rin pala nito kabisado ang paggamit ng ATM
- Laking pasalamat nila nang makuha pa rin ang pera mula sa mabuting tao na hindi ito pinag-interesan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang ina sa Calasiao, Pangasinan ang nag-utos sa kanyang anak na mag-withdraw ng Php1,000 para sa kanilang panggastos.
Nalaman ng KAMI na 4Ps beneficiary pala ang ginang at na-hold umano ang benepisyo nito ngunit nang araw na iyon, may nakapagsabi sa kanya na i-check ang ATM sa pagbabakasakaling mayroon na itong laman.
Dahil hindi bihasa sa paggamit ng ATM, inutusan niya ang kanyang anak na hindi rin pala gaanong marunong.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Kaya naman ang anak, nagpatulong din sa kanyang kakilala na naroon. Iyon nga lang, malabo pala ang mata ng kanyang napagtanungan. Kaya naman imbis na Php 1,000 lang ang napindot, nasobrahan ito ng 0 kaya naging Php10,000.
Ngunit ayon sa anak may lumabas na "Sorry" sa ATM kaya inakala nilang walang lalabas ng pera.
Subalit nagpatuloy ang transaksyon dahilan para maipit sa ATM ang Php10,000.
Napakaswerte nila na ang nakakita ng pera ay nagmalasakit na isauli ang Php10,000 kaya dinala niya ito agad sa barangay na siyang nagpost sa social media para mapadali ang pagkuha ng may-ari.
Natulungan din sila ng bangko upang ma-verify na sa tamang tao nga mapupunta ang may kalakihang halaga ng pera.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng video mula sa GMA Regional TV:
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sa ng mahirap na buhay ngayon dala ng pandemya, nakatutuwang isipin na mayroon pa rin na mga tao na hadang gumawa ng kabutihan sa kanilang kapwa.
Tulad na lamang ng simpleng pagsauli ng perang hindi sa kanya at hindi nangahas na kunin ito kahit halos lahat naman tayo sa panahon ngayon ay labis nangangailangan.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh