14-anyos na water vendor, nagsauli ng halagang P130K na kanyang napulot

14-anyos na water vendor, nagsauli ng halagang P130K na kanyang napulot

-Nagpamalas ng katapatan ang isang 14-anyos na water vendor sa Kalibo, Aklan kamakailan lamang

-Sa halip kasi na masilaw ito sa malaking halaga na napulot nito sa airport kung saan ito nagtitinda ay isinauli niya ito

-Agad namang naibalik sa Chinese national na siyang may-ari ang pouch na kinalalagyan ng pera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kahanga-hanga at karapat-dapat lamang na ipagmalaki ang isang batang lalaki mula sa Kalibo sa Aklan dahil sa ipinamalas nitong katapatan.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, gagamit sana ng palikuran ang 14-anyos na si LJ Alejandro, isang water vendor sa Kalibo International Airport nang makita nito ang isang itim na pouch.

Napag-alamang naglalaman ito ng perang nagkakahalagang P130,000.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit sa halip na masilaw sa laki ng pera na napulot ay agad itong umuwi sa kanilang tindahan at ikuwinento ang kanyang nakuha.

Pagkatapos ay pumunta sila sa Kalibo Airport Police Station para ipagbigay-alam ang napulot na pouch.

Samantala, ang 33-anyos na Chinese national na si Yihe Hong naman ay agad na pumunta sa istasyon nang araw rin na iyon para i-report ang nawawala niyang pera.

Nang makumpirma naman na pagmamay-ari nga nito ang pouch na naglalaman rin ng mga ID nito ay agad naman isinauli ni Alejandro rito ang pouch na naglalaman ng malaking salapi.

Bilang ganti at tulong na rin ni Hong ay nag-iwan ito ng gantimpala para kay Alejandro at sa nanay nito bago lumipad patungong China.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel