Chito Miranda, nilinaw ang post sa pagpapabakuna matapos kwestyunin ng netizens

Chito Miranda, nilinaw ang post sa pagpapabakuna matapos kwestyunin ng netizens

-Nilinaw ni Chito Miranda ang kanyang naging pahayag tungkol sa vaccination sa kanilang lugar

-Ito'y matapos kuwestyunin ng ilang netizens ang kanyang sinabi sa post nang matanggap ang ikalawang dose ng vaccine

-Ayon kasi sa naunang pahayag ng bokalista, tapos na ang mga senior citizens sa lugar

-Pero agad din naman itong binawi ni Chito matapos makumpirma sa kanilang LGU

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masayang ibinahagi ng Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda na siya ay fully-vaccinated na at hinikayat din ang publiko na magpabakuna na rin. Anito, dapat ay kumonsulta sa doktor upang mas maliwanagan ang mga Pinoy at hindi matakot magpabakuna.

Sa isang Instagram post ibinahagi ni Chito ang balita at pinuri rin ang kanilang LGU dahil sa maayos na proseso.

"Done with my 2nd dose.

Chito Miranda, nilinaw ang post sa pagpapabakuna matapos kwestyunin ng netizens
Photo: Parokya ni Edgar lead vocalist Chito Miranda (@chitomirandajr)
Source: Facebook

"Again, super efficient, and sobrang hassle-free.

Read also

Olivia Culpo, nagpaliwanag tungkol sa kanyang viral 'confused face' sa 69th Miss Universe

"Salamat ulit sa LGU ng Alfonso dahil inayos talaga nila yung sistema ng vaccination," ani Chito.

"Sa mga nag-aalinlangan, wag sana kayong matakot magpabakuna. Wag kang umasa sa Facebook when it comes to getting proper information re the available vaccines sa lugar ninyo."

Ngunit umani ito ng iba't ibang komento at may mga kumuwestiyon din kung bakit nauna pa ito sa mga nakatatanda.

Si Chito ay kabilang sa A3 o people comorbidities ayon sa pahayag nito.

"Chito .tayo po bah ay medical frontliner ? Senior citizen or may comorbidities? Or isang service delivery crew? Paano po kayo na bakunahan higit pa sa ibang prioridad?? Just wondering.." tanong ng isang netizen.

Bukod dito, may isang netizen din ang pumuna sa sinabi ni Chito na tapos na ang mga senior citizens sa kanilang lugar.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Kakai Bautista, bumuwelta sa mga taong "panget" ang tingin sa kanya

Ayon kay Chito, tapos na raw ang mga frontliners at senior citizens sa kanilang lugar na sinalungat naman ng isang netizen. Ayon sa nasabing netizen, hindi totoo ang "claim" ni Chito dahil may mga kamag-anak itong senior citizen na hindi pa nababakunahan.

Hirit pa ng isang netizen, hindi aware ang mga "sikat at rich" sa iba pang mamamayan sa kanilang lugar.

"Sa barrio namin parang dalawa pa lang ang kilala naming nabakunahan na. Siempre tapos na mga sikat at rich - naive sila sa mga nangyayari sa rest of Alfonso kase tapos na sila sa subdivision nila - yun lang ang alam nila!" ayon sa naturang netizen.

Agad namang nilinaw ni Chito ang kanyang pahayag matapos kumpirmahin ang sinabi ng ilang netizens. Ayon dito, mali ang nakarating na impormasyon sa kanya.

Dagdag pa ng sikat na singer, dumaan siya sa tamang proseso at hindi dahil sikat siya kaya siya nauna sa iba. Pagtitiyak nito, hindi nito kayang gawin ang ibinibintang ng ilang "nega-netizens".

Read also

Dugyot na quarantine facility na inireklamo ng OFW, ipasasara ni Raffy Tulfo

Ibinahagi rin daw niya ang kanyang vaccination experience upang mahikayat ang publiko at huwag matakot magpabakuna kontra sa COVID-19.

"I posted it to encourage those hesitant to get vaccinated to go for it. sabi nung isang doctor, this single post may saved several live (hopefully) and I honestly hope you see the positivity behind it as well po," anito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan lang, sinagot din ni Chito ang isang netizen na pumuna sa pananalita ni Miggy.

Sa isa pang report ng KAMI, proud daddy si Chito sa kanyang anak na si Miggy na sumabak na rin sa pictorial. Ibinahagi rin ng bokalista ang nakakatawang sinabi ng anak matapos ito.

Read also

Patreng Non ng Maginhawa pantry, nakatatanggap na ng banta sa kanyang seguridad

Si Alfonso "Chito" Y. Miranda Jr. ay isang Filipino singer-songwriter sa bansa. Ito ay bokalista sa sikat na bandang Parokya ni Edgar na itinuturing nang haligi ng Musikang Pinoy.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone