Kakai Bautista, bumuwelta sa mga taong "panget" ang tingin sa kanya

Kakai Bautista, bumuwelta sa mga taong "panget" ang tingin sa kanya

- Malalim at tagos sa puso ang mensahe ni Kakai Bautista sa kanyang latest Instagram post

- Dito inihayag ng singer-actress ang kanyang hugot sa tuwing kumakanta

- Bumuwelta naman ito sa mga taong mapanghusga sa panlabas na anyo

- Marami ang nagpahayag ng kanilang suporta sa tinaguriang "Dental Diva"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Malalim at tagos sa puso ang mensahe ni Kakai Bautista sa kanyang latest Instagram post.

Dito na inihayag ng singer-actress ang kanya hugot sa pagkanta.

Anito pa, matagal na raw niyang tinapos ang awa sa sarili dahil sa mga taong madalas ay hinihusgahan ang kanyang panlabas na anyo.

Kakai Bautista, bumuwelta sa mga taong "panget" ang tingin sa kanya
Photo: Kakai Bautista (@ilovekaye)
Source: Instagram

Kaya naman sa kanyang bawat pag-awit at ibinibigay niya ang kanyang puso.

Bumuwelta rin si Kakai sa mga taong "panget" daw ang tingin sa kanya.

"THANK YOU LORD

"TRUE STORY SO READ CAREFULLY

"Highschool palang ako, tinapos ko na ang awa sa sarili ko. Madalas talaga panget lang ako hanggang ngayon sa paningin ng iba. Kaya sa bawat awit na kinukwento ko, binibigay ko lagi ang puso ko, para makalimutan nila ang hitsura ko at makinig nalang sila. Matuwa.

"Gusto ko silang dalhin sa emosyon ng kanta hindi sa ganda ng hitsura ng kumakanta na pwede nilang makita. YUN lang ang GOAL ko tuwing kumakanta.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"KAYA Thank you sayo! Sa iyong suporta at tiwala! at kung sa boses ko lang ikaw nagagandahan, OK LANG YAN. Dahil, Matindi ang paniniwala ko na IPINANGANAK akong MAGANDA! iba nga lang sa paraang gusto ng iba."

Marami ang nagpahayag ng kanilang suporta sa tinaguriang "Dental Diva".

"Maganda ka, babe. Mata at utak nila ang pangit," ayon sa komento ni Cai Cortez na kasama nito sa First Yaya.

Kamakailan lang, muli na namang umugong ang kontrobersiya sa pagitan nina Kakai at ng Thai actor na si Mario Maurer, matapos magbigay ng mensahe ang huli kay Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

Agad naman itong sinupalpal ni Kuya Kim Atienza at binigyang-diin ang isyu ng agency ni Mario kay Kakai noon.

Sa isa pang report ng KAMI, isang Instagram photo naman ang ibinahagi ni Kakai sa kanyang mga followers na may #goodkarma.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Catherine "Kakai" Bautista ay isang Filipina actress, host, singer, at comedienne. Kinagigiliwan ito ngayon dahil sa kanyang "funny role" sa GMA Primetime series na First Yaya.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel