Kakai Bautista, nag-post ng bagong selfie na may #goodkarma

Kakai Bautista, nag-post ng bagong selfie na may #goodkarma

- Isang bagong pretty selfie ang ibinahagi ni Kakai Bautista sa kanyang latest Instagram post

- Kapansin-pansin naman ang isa sa mga ginamit nitong hashtag sa nasabing post

- Bukod sa #dentaldiva na taguri sa kanya, gumamit din ng #goodkarma ang singer-actress

- Ito ay sa gitna ng isyu sa Thai actor na si Mario Maurer at Miss U Philippines Rabiya Mateo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May ipagmamalaki ang bagong selfie photo ni Kakai Bautista sa kanyang latest Instagram post.

Marami ang nakapansin sa kanyang ganda sa nasabing IG photo. Ngunit kapuna-puna rin ang isa sa mga hashtags na ginamit ni Kakai sa post.

Bukod sa #dentaldiva na taguri sa kanya, gumamit din ng #goodkarma ang singer-actress.

Kakai Bautista, nag-post ng bagong selfie na may #goodkarma
Photo: Kakai Bautista (@ilovekaye)
Source: Instagram

Hindi tuloy naiwasan ng ilan na i-konek ito sa isyung hinaharap ni Kakai sangkot muli ang Thai actor na si Mario Maurer at ang ating pangbato sa Miss Universe 2021 na si Rabiya Mateo.

Read also

Alex Gonzaga, tinuruan ang pamangking si Seve ng awiting "Shojoji"

Matatandaang nagkaroon ng kontrobersiya ang pagbibigay ng warning ng agency ni Mario na Kwaonhar Nine Nine Co. Ltd., sa "panggagamit" daw ni Kakai sa aktor, na dinepensahan naman ng kampo ni Kakai.

Ngunit muling nabuhay ang isyu nang lumabas ang interview ni Mario sa GMA News kung saan sinabi nitong fan nito si Rabiya at nag-goodluck pa sa beauty queen.

Sinupalpal naman ito ni Kuya Kim Atienza at sinabing hindi nito fan si Rabiya at si Kakai ang dating humanga rito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"No, Rabiya is not a fan of yours, Kakai was and how badly you and your PR team treated her. Just had to say that," ani Kuya Kim sa comment section.

Pero sinalungat ito ng post ni Rabiya sa kanyang IG stories kung saan nagbahagi ito ng larawan nila ni Mario at sinabing: "OMG!!! Fangirling rn."

Read also

Donnalyn Bartolome, binura ang video sa YouTube dahil sa mga kaibigang napikon

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Catherine "Kakai" Bautista ay isang Filipina actress, host, singer, at comedienne. Kinagigiliwan ito ngayon dahil sa kanyang "funny role" sa GMA Primetime series na First Yaya.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel