Eula Valdes, binigyang pugay ang mga delivery riders nang maranansang magmotorsiklo

Eula Valdes, binigyang pugay ang mga delivery riders nang maranansang magmotorsiklo

- Ibinahagi ng aktres na si Eula Valdes ang naging karanasan niya kamakailan na magmotorsiklo sa kabila ng matinding init ng araw

- Dahil sa kanyang karanasan, mas lalo siyang humanga sa mga delivery riders na maghapong nagtatrabaho

- Pinaaalalahanan pa niya ang mga ito na laging magdala ng tubig dahil anumang oras ay maari na lamang himatayin ang sinomang naarawan sa labas

- Sa tindi ng pagod, aminado ang aktres na napahimbing siya sa kanyang pagtulog

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbigay pugay ang aktres na si Eula Valdes sa mga delivery riders na maghapong nagtatrabaho at 'di maiiwasang mabilad sa araw.

Nalaman ng KAMI na napagtanto umano ito ni Eula nang maranasan niya mismo ang magmotorsiklo sa kabila ng matinding init ng araw sa kalsada.

"Super init! Mahirap mag maintain ng bango, today you may call me Hulas Valdes."

Eula Valdes, binigyang pugay ang mga delivery riders nang maranansang magmotorsiklo
Photo: Eula Valdes
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dahil dito, lalo siyang bumilib sa mga delivery riders na halos buong araw itong nagagawa at nagtitiis sa tindi ng init ngayon.

"Bilib ako sa mga delivery riders natin na whole day nasa kalsada, wow!"

Talagang nanghingi na raw umano siya nang tubig nang makarating sa Sucat toll gate sa pagkuha ng kanyang RFID.

Pinaalalahanan pa niya ang mga delivery riders na palaging magdala ng tubig.

Anomang oras, Saanmang lugar kasi ay maari na lamang daw himatayin ang mga ito sa tindi ng init.

Kwento pa ni Eula, talagang mahimbing at napahilik pa siya sa sarap ng kanyang tulog dala ng matinding pagod sa pagmomotorsiklo.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Eula Valdes ay isa sa mga kilalang mahuhusay na aktres sa bansa. Tumatak sa bawat Pinoy ang karakter niya bilang orihinal na Amor Powers sa teleserye na Pangako Sa'Yo.

Kasalukuyan siyang bahagi ng seryeng “Huwag Kang Mangamba” kasama ang Gold Squad members na sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Francine Diaz at Kyle Echarri.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, kamakailan lamang ay nagbigay pugay din ang Donekla in Tandem sa mga delivery riders sa pamamagitan ng pagbibigay nila ng malaking tip.

Ito raw umano ang kanilang paraan upang magpasalamat sa kasipagan ng mga ito sa kabila ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel