Super Tekla at Donita Nose, nag-share ng blessings sa masuswerteng delivery riders

Super Tekla at Donita Nose, nag-share ng blessings sa masuswerteng delivery riders

- Nagbahagi ng biyaya sina Donita Nose at Super Tekla sa mga delivery riders na magdadala ng kanilang orders

- Kinakailangang maging magalang o may positibong awra ang mga rider para mabigyan nila ito ng biyaya

- Bibigyan din nila ang mga riders na makakakilala sa isa man sa kanilang dalawa

- Ginawa raw nila ito bilang pasasalamat sa mga delivery riders na maituturing din nilang frontliners ngayong panahon ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Namigay ng blessings ang Donekla in Tandem na binubuo nina Super Tekla at Donita Nose.

Sa kanilang pinakabagong vlog, ibinahagi nila ang kung paano nila napasaya ang ilang delivery riders na magdadala sa kanilang mga orders.

Enhanced community quarantine pa nang kanilang gawin ang video kaya naman naisipan nilang pasayahin ang masuswerteng delivery riders na makakakilala sa kanilang dalawa.

Super Tekla at Donita Nose, nag-share ng blessings sa masuswerteng delivery riders
Photo: Super Tekla at Donita Nose (Donekla in Tandem)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Read also

Viral na delivery man na naka-roller blades, mabibigyan ng motorsiklo

Hindi man daw sila makilala, basta maganda ang bati at magalang ang mga riders, Php1,000 ang kanilang ibibigay na tip.

Lahat naman ng mga riders na nag-deliver sa kanila, agad silang nakilala. Ang ilan, nakapagpa-picture pa sa kanila.

Ito raw kasi ang naisip nina Tekla at Donita upang mabigyang pasasalamat ang mga delivery riders na naituturing din nilang mga frontliners ngayon at para maibsan ang bigat ng loob ng mga ito dahil sa mga naglipanang fake orders.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Donekla in Tandem YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Super Tekla ang isa sa mga sikat na komedyante ng GMA network. Dahil sa angking galing sa pagiging isang stand-up comedian, naging bahagi siya ng programang 'The Boobay and Tekla Show' at maging ng patok na Kapuso variety and game show na "Wowowin".

Read also

Jollibee customer na animo'y nanalo sa beauty pageant, kinagiliwan ng netizens

Kilala rin si Super Tekla sa kanilang YouTube channel na "Donekla in Tandem" kung saan kasama niya ang kapwa komedyante na si Donita Nose. Mayroon na silang 2.65 million subscribers.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay nasangkot sa kontrobersiya ang dalawa dahil sa "1M peso challenge" ng kapwa nila vlogger na si Donnalyn Bartolome.

Natuldukan na lamang ito nang sabihin na rin ni Marco Gumabao na isa sa mga nakasama nila sa vlog na prank lamang ang nagawa nila kay Donnalyn na siyang dahilan ng pag-iyak nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel