Jollibee customer na animo'y nanalo sa beauty pageant, kinagiliwan ng netizens
- Viral ngayon ang video ng isang customer na animo'y nanalo sa beauty pageant nang matawag ang kanyang numero para sa kanyang order
- Supportive din naman ang kanyang mga kaibigan na naghiyawan at nagpalakpakan nang tawagin ang kanilang order number
- Nag-congratulate din naman ang crew na sinakyan na rin ang trip ng mga kwelang customers
- Halos nasa 560,000 na ang positibong reaksyon ng video na ito na naibahagi sa TikTok
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kinagigiliwan ngayon sa TikTok ang video ni Lyndon Angas (@lyndonangas1) kung saan aakalaing nanalo sa beauty pageant o contest ang isang Jollibee customer.
Nalaman ng KAMI na naghihintay lang umano sa order nila ang customer at kanyang mga kaibigan.
Ngunit nang tawagin na ang kanilang order number 14, napatayo at napapalakpak ang customer na parang mayroong napanalunang paligsahan.
Very supportive naman ang kanyang mga friends na nagsigawan at nagpalakpakan din nang matawag ang kanilang order number.
Game na game din naman ang crew na nag-congratulate pa sa customer habang iniaabot nito ang kanyang order.
Kumaway pa ala beauty queen ang customer at nakipag-photo ops pa. Aliw na aliw ang mga netizens na tila nagkaroon ng nakatutuwang ideya dahil sa "good vibes" na video na ito.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Aliw si atey, akala ko Miss Universe na ang pinapanood ko at nakapasok na siya sa top 5"
"Super supportive ng mga friendship ni ate at todo hiyawan pa kala mo nanalo kung saan, sobrang aliw!"
"Napa-congratulations tuloy yung crew, kaya lalong na-feel ni ate na parang may napanalunan siya"
"Hahahaha, talagang may pictorial pa sa winner ang saya-saya nila"
"'Yan ganyan dapat ang mga friends, supportive! hahaha, magawa nga ito sa susunod naming order sa labas"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Buhat nang mag-pandemya at maisailalim ang iba't ibang lugar sa bansa sa community quarantine, TikTok na ang libangan ng mga Pilipino.
Matatandaang maging ang Department of Health ay nagkaroon na rin ng TikTok videos bilang kampanya sa pagpapaala ng pag-iingat sa COVID-19.
Marami rin sa ating mga kababayan na bagaman at kakasimula pa lamang sa TikTok noong nakaraang taon ay milyon-milyon na ang followers sa ngayon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh