5-anyos na gusto nang bumalik sa school at makasama ang "totoong teacher", viral

5-anyos na gusto nang bumalik sa school at makasama ang "totoong teacher", viral

- Nag-viral ang video ng isang batang nais nang makasama ang kanyang guro sa paaralan

- Makikitang umiiyak siya habang paulit-ulit na sinasambit na "gusto ko na 'yung totoong teacher"

- Nasabi rin niyang gusto na lamang niyang bumalik sa pagiging apat na taong gulang kung saan nakakapasok pa siya ng paaralan at nakakasama ang kanyang guro

- Mula nang magsimula ang pandemya, hindi na pinabalik pa ang mga mag-aaral sa paaralan at nagkaroon na lamang ng iba't ibang learning modalities ang DepEd

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang video ng batang si Jowell na gusto nang makasama ang kanyang guro sa kanila mismong paaralan.

Nalaman ng KAMI na talagang umiiyak ang limang taong gulang na bata sa pagnanais nitong bumalik na sa eskwelahan.

Binahagi ng kanyang ina na si Jonalyn Anilao ang video kung saan makikitang paulit-ulit na sinasambit ni Jowell na "Gusto ko na 'yung totoong teacher."

Read also

2020 viral video ng frontliner na binalot ang anak para lang mayakap, inalala

5-anyos na gusto nang bumalik sa school at makasama ang "totoong teacher", viral
Si Jowell na sobrang miss na ang kanyang teacher ang mga classmates (Photo from Jonalyn Anilao)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Pilit namang ipinaliwanag ng kanyang ina ang sitwasyon na sarado ang mga paaralan dahil sa patuloy ng paglaganap ng COVID-19.

Tila hindi pa ito lubos na maunawaan ng mumus na kaisipan ng bata kaya patuloy ang kanyang pag-iyak at pilit na sinasabi ang kanyang kahilingan.

Aniya, nais na lamang niyang bumalik sa pagiging apat na taong gulang dahil noo'y nakakapasok pa siya sa paaralan at nakakasama ang mga guro at kaklase.

Narito ang kabuuan ng video na naibahagi rin gng Philippine Star.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Oktubre 5 na ng 2020 nang magsimula ang panuruang taon 2020-2021 sa mga pampublikong paaralan.

Masusi munang pinag-aralan ng Kagawaran ng Edukasyon ang magiging sistema ng "new normal" ng education kaya naman naglabas sila ng iba't ibang learning modalities para lamang maipagpatuloy ng mga bata ang pag-aaral na hindi na kailangang pumunta sa paaralan.

Read also

Video ng paglalambing ng anak sa kanyang ina, nagpaluha sa maraming netizens

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Subalit sa pagbubukas ng klase noong nakaraang taon, kabi-kabila ang mga problemang kinaharap ng mga estudyante at guro gayundin ng mga magulang.

Inaasahang matatapos ang panuruang taon na ito sa Hulyo 10.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica