Batang limang taong gulang, napapasayaw pa rin 'pag nakaririnig ng TikTok kahit tulog

Batang limang taong gulang, napapasayaw pa rin 'pag nakaririnig ng TikTok kahit tulog

- Kinagiliwan ang isang limang taong gulang na bata na nagti-TikTok pa rin kahit natutulog

- Tuwing nakakarinig kasi ito ng mga tugtugin sa TikTok ay napapasayaw talaga ito kahit saan

- At nang sinubukan ng kanyang ina na magpatugtog ng TikTok music, kahit natutulog ay todo hataw pa rin ang bata

- Hilig na pala talaga ng bata ang mag-vlog at bibong bibo ito sa kanyang mga video na ginagawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang nakakatuwang video ng batang si Aviel na nakakapag-TikTok kahit siya ay natutulog.

Nalaman ng KAMI na ibinahagi ng kanyang ina na si Jumelyn Aloro ang video ng kanyang anak na kitang-kita nila ang TikTok moves nang sinubukan nilang patugtugin ang TikTok music habang natutulog ito.

Ayon sa panayam ng GMA News sa ina ni Aviel, kahit saan talaga abutin ang batang mula Malita, Davao Occidental ay todo hataw pa rin ito tuwing makakrinig ng mga tugtugin sa TikTok.

Read also

"Pag-aaway" ni Vice Ganda at Ion Perez, kinatakot ng kanilang mga kasambahay

5-anyos, napapasayaw pa rin 'pag nakaririnig ng TikTok dance kahit tulog
Aviel (Photo from Jumelyn Aloro)
Source: UGC

Kaya nang subukan nilang magpatugtog habang natutulog si Aviel, laking gulat nila nang makitang umiindak pa rin ito kahit mahimbing nang natutulog.

Kwento pa ng ina, hilig na rin talaga ng kanilang baby Aviel ang pagba-vlog. Bibong-bibo raw talaga ito sa harap ng camera.

Aliw na aliw ang mga netizens kay Baby Aviel at marami rin ang nakaka-relate sa pagkahilig nito sa TikTok.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Cute! one year ba namang TikTok lang ang libangan natin talagang ma-memorize na yan ni baby"
"Kahit tulog, todo hataw si bebe girl! Ang cute!'
"Kahit sa panaginip, TikTok pa rin! hehe... more videos po baby Aviel, pag gising mo po!"
"Ang kulit, TikTok pa more! nakakawala ka po ng pagod"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Fire Officer, nakasulat ng kanta habang bumibiyahe sa Maynila pabalik ng Quezon

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Buhat nang magpandemya at mailagay ang iba't ibang lugar sa community quarantine, TikTok na ang libangan ng mga Pilipino.

Matatandaang maging ang Department of Health ay nagkaroon na rin ng TikTok videos bilang kampanya sa pagpapaala ng pag-iingat sa COVID-19.

Marami rin sa ating mga kababayan na bagaman at kakasimula pa lamang sa TikTok noong nakaraang taon ay milyon-milyon na ang followers sa ngayon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica