"Pag-aaway" ni Vice Ganda at Ion Perez, kinatakot ng kanilang mga kasambahay

"Pag-aaway" ni Vice Ganda at Ion Perez, kinatakot ng kanilang mga kasambahay

- Napagtripan ng magkarelasyong Vice Ganda at Ion Perez ang mga kasama nilang mga kasambahay

- Nagkunwari silang nagtatalo habang naroroon at nakikinig ang mga kasambahay nila na tinatawag ni Vice bilang kanyang mga angels

- Dahil hindi umano nag-aaway ng malala sina Vice Ganda at Ion, naisipan nilang i-prank ang mga kasambahay para makita nila ang magiging reaksiyon ng mga ito

- Matapos ang mainit na pagtatalo at pagbato ni Vice ng isang platito, kinabahan ang mga ito at tuluyang napaiyak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naiyak na lamang ang mga "angels" ni Vice Ganda sa kanilang bahay matapos mapaniwalang totoong nag-aaway ang kanilang among si Vice Ganda at si Ion Perez.

Naisipan ng dalawa na i-prank ang mga kasambahay nila dahil hindi naman umano sila nag-aaway ng malala.

"Pag-aaway" ni Vice Ganda at Ion Perez, kinatakot ng kanilang mga kasambahay
Vice Ganda (Flickr)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Ilang miyembro ng Beks Batallion at Beks Friends, tinamaan ng COVID-19

Habang nasa hapagkainan ay kunwaring nagkakasagutan na ang dalawa habang tahimik lang na nakikinig sa kalapit na silid ang mga kasambahay.

Kitang-kita ang mga reaksiyon ng mga ito dahil sa mga ipinalagay na mga hidden camera sa mga sulok ng kusina kung saan sila nakatayo at nakikinig lamang sa pagtatalo ng kanilang mga amo.

Dahil tila wala pang makuhang reaksiyon ay itinodo ni Vice ang kanyang acting at nagbato ng platito. Ito umano ang kanyang napili dahil ayaw niyang masayang ang kanilang mga gamit.

Dito na naiyak ang mga kasambahay. Lalong umigting ang pag-iyak nila nang sabihin ni Vice na prank lamang iyon. Tila nabunutan ng tinik ang mga ito ngunit di pa rin mapigil ang pag-iyak.

Nag-sorry naman si Vice sa mga ito dahil napaiyak niya sila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang concerts.

Read also

Donnalyn Bartolome, ibinahagi ang pangyayari bago ang pagkikita nila ni Ivana Alawi

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pakikipag-usap ni Vice Ganda sa isang Tawag ng Tanghalan contestant na aminadong sumang-ayon noon sa pag-shutdown ng Kapamilya Network.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel