Fire Officer, nakasulat ng kanta habang bumibiyahe sa Maynila pabalik ng Quezon

Fire Officer, nakasulat ng kanta habang bumibiyahe sa Maynila pabalik ng Quezon

- Kahanga-hanga ang isang lady firefighter na nakalikha ng magandang awitin habang bimibiyahe mula Maynila pabalik ng Quezon province

- Ang kanyang komposisyon ay isang awitin tungkol sa pag-iwas sa sunog na ngayo'y nalapatan na ng musika para sa Fire Safety music video contest

- Habang nata-traffic ay nakalikha siya ng mga salita at musika gamit lamang ang ukelele ng kanyang kabanda

- Sa kanyang biyahe, natapos ang awitin at sa tulong ng kanyang mga kabanda, mas lalong nabigyan ng buhay ang kanyang makabuluhang kanta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakabilib ang isang lady firefighter na nakalikha ng magandang awitin tungkol sa pag-iingat sa sunog habang siya ay nasa biyahe mula Maynila pabalik ng Quezon.

Nalaman ng KAMI na may inihatid lamang sa Makati Medical Center si Fire Officer 2 Maria Alinette Coralde Suaverdez nang masimulan niya ang pagsusulat ng kantang "Bakas Kita."

Read also

Zeinab Harake, pinaiyak ang mga magulang nang ipinasilip ang kanyang "baby girl"

"Ang layo ng narating ng "Bakas" dahil verse lang ang nasulat ko at natapos ko siya ay Sariaya na!" kwento ng songwriter.

Fire Officer, nakasulat ng kanta habang bumibiyahe sa Maynila pabalik ng Quezon
Photo from Maria Alinette Coralde Suaverdez
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Gamit ang ukelele ng kanyang kabanda, nakalikha siya ng makabuluhang awitin na magpapaalala sa publiko na katuwang natin ang mga bumbero na tulad nila upang mapalawig pa ang kaalaman ng bawat isa sa pag-iingat sa sunog.

Sa tulong naman ng kanyang mga kabanda sa "Banahaw Band" ay nalapatan ng magandang melodiya ang kanta na ngayo'y ilalaban nila sa Regional Fire Safety music video contest.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ngayong Marso, ginugunita natin ang fire prevention month batay na rin sa Presidential Proclamation 115-A, series of 1966 ng dating Presidente Ferdinand Marcos.

Read also

Ogie Diaz, nilinaw ang tungkol sa artistang 'di na makakabalik sa ABS-CBN

Ito ay dahil sa hudyat na ng tag-init ang Marso kung kailan din marami ang naitatalang sunog na nagaganap sa bansa.

Kaya naman malaking bagay ang paglikha ng mga paalala at babala sa mga mamayan tulad ng kantang nagawa ng lady firefighter na ito upang madaling tumimo sa ating isipan ang wastong kaalaman sa pag-iwas sa sunog.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica