Zeinab Harake, pinaiyak ang mga magulang nang ipinasilip ang kanyang "baby girl"

Zeinab Harake, pinaiyak ang mga magulang nang ipinasilip ang kanyang "baby girl"

- Excited na ipinakita ng sikat na vlogger na si Zeinab Harake ang 3D ultrasound ng kanyang baby girl

- Kasama ang kanyang partner na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang si "Skusta Clee", nagpunta sila sa clinic upang makita ang lagay ng kanyang baby

- "Zebby liit" na agad ang tawag niya sa kanyang first baby at halos lahat nang nakakita ay sinasabing pareho sila ng "ilong

- Napaluha ang mga magulang ni Zeinab nang ipakita niya rito ang kopya ng ultrasound kung saan kitang-kita na ang mukha ng kanyang baby

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng YouTube star na si Zeinab Harake ang 3D ultrasound ng kanyang baby girl sa kanyang vlog na ipinalabas ngayong Marso 19.

Nalaman ng KAMI na kasama mismo ni Zeinab ang kanyang boyfriend na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee sa pagpunta sa clinic para makita ang kalagayan ng kanilang first baby.

Read also

Fire Officer, nakasulat ng kanta habang bumibiyahe sa Maynila pabalik ng Quezon

Mababakas ang excitement sa first-time parents lalo na kay Zeinab na gusto na raw lumabas ang anak.

Zeinab Harake, pinaiyak ang mga magulang nang ipinasilip ang kanyang "baby girl"
Photo from Zeinab Harake
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

"Uy, Zebby liit!" ang nasabi ng vlogger nang makita na mismo ang mukha ng kanyang baby girl na sinasabing kamukha niya.

Nang makuha ang kopya ng isinagawang ultrasound, ipinakita agad ni Zeinab sa kanyang mga friends ang kanyang baby girl. Iisa lang halos ang komento ng mga ito at sinabing kapareho niya ito ng "ilong."

At nang ipakita na ng soon-to-be mommy ang ultrasound picture sa kanyang mga magulang, pareho raw ito naluha sa saya at parang nakikita muli ng mga ito ang munting "Zebby"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

72-anyos na pianist sa mall, halos 2 oras nag-online show para sa kanyang mga gamot

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Kamakailan ay isinapubliko ni Zeinab na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kasintahang si Skusta Clee. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga ay inilahad ni Zenab ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel